Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 23, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 23, 2020,  Huwebes – Ito ang araw upang kumustahin mo ang isang tao na matagal mo ng hindi nakakausap. Matapos mo siyang kumustahin, dadalawin ka ng magagandang kapalaran, biglang darating ang malalaking suwerte at kakaibang buenas higit lalo sa aspetong pangdamdamin at sa larangan ng pananalapi. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 9, 24, 36, 42, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi ba’t sabi mo, maligaya ka na kapag maligaya ang mga mahal mo sa buhay? Kahanga-hanga ang iyong kababaang loob at dahil dito kikilos ang mapagpalang langit at ikaw ay huhulugang ng napakaraming mga suwerte at biyaya na ngayon mo lang mararanasan sa tanang buhay mo. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 19, 25, 29, 34, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Nasobrahan yata ang iyong pananahimik dahil makikitang mas gusto mo na ikaw ay nag-iisa at walang kasama. Hindi maganda ang ganito, kaya makipagkuwentuhan ka sa isang kaibigang mataba, siya ang magbibigay sa iyo ng suwerte at lulutas ng iyong mga problema. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  1, 13, 22, 27, 31, 42.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Itabi mo muna ang lahat ng inaakala mong pampasuwerte na nakakabit sa iyong katawan, dahil ang pinakamabisang lucky charm mo ngayon ay ang iyong ngiti. Ngitian mo lang ang bawat taong iyong makakaharap at makakausap. Kapag ganyan ka, nakangiting lagi, anumang mahirap na bagay ang ilalapit mo sa iyong kausap madali nilang ipagkakaloob sa iyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 14, 21, 32, 42, 45. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag kang mag-alinlangan lalo na sa mga araw na ito. Wag mo ring hayaang talunin ka ng mga negatibong pananaw. Panatiliin mo ang pag-iisip ng mabuti at magaganda, upang ang mabuti at magagandang kapalaran ay patuloy at walang tigil na dumating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 36, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ang iba ay walang kapera-pera at halos kulang pa sa pagkain ng pamilya ang hawak nilang budget. Kulang na nga, may mga obligasyon pang dapat na bayaran. Pero ang sa iyo ay kakaiba, ang pinoprolema mo ngayon ay kung saan department store kumbinyenteng mamili na mga original at magagandang mg agamit. Kaya anumang biyaya ang nasasa iyo sa ngayon, matututo kang magpasalamat at ibahagi mo sa iba ang ilang sa iyo ay sosobra.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  3, 18, 27, 33, 39, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kapag kulimlim ang panahon, nagiging kulimlim din ang kapalaran. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kapag kulimlim ang panahon, medyo maulap ang langit at bahagyang umuulan at umaambon. Ito ang pinaka-paborableng araw sa iyo.  Gawin mo ang lahat ng mga bagay na mataagl mo ng pangarap magawa, at makikita mo, magkakaroon agad-agad ng katuparan. At kapag sumobra ang lakas ng ulan, lalo kang susuwertehin at pagkakaloob ng mas magagandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 34, 39, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Itutok mo ang iyong isip at katawan sa trabaho upang malayo ka sa mga tukso. Kung sakaling mapalapit sa iyo ang “tukso”, ang “tuksong ito” ay siya ring magpapasigla at magpapasaya sa buhay mo. Pero dahil ito ay tukso, dapat pa ring ito ay iwasan mo. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  6, 17, 24, 36, 41, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ang pangako ng puso ay hindi dapat suwayin. Anuman ang ipinangako mo sa iyong kasuyo, tuparin mo. Dahil tulad ng paulit-ulit nang nakatala sa aklat ng iyong kapalaran: “Patuloy na darating ang mas marami pang suwerte, habang ikaw ay nagma-mahal.” Oo habang ikaw ay umiibig lalo na sa iyong mga kapamilya at sa mga taong malalapit sa puso mo, ang susuwerte tulad ng ulan ay patuloy na bubuhos sa iyo. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6, 10,  21, 30,  33, 44. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Kung sa iba ay paisa-isang lang ang biyayang natatanggap sa ‘yo ay kakaiba, ang mga biyaya mo ay laging doble. Ganon din ang suwerte, hindi lang doble, kundi marami – parami pa ng parami bawat araw. Upang magpatuloy ang ganoong buhos ng magandang kapalaran, wag mag-alinlangang ibahagi sa iba ang sobra mong mga biyayang natatanggap. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 14, 27, 28, 32, 41.  

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwaran sa kasipagan at pagsisikap. Ito ang angkin mong taglay, kaya hindi ka man hinahangaan ng mga tao dahil hindi naman nila ito gaanong  nalalaman, wag kang malungkot dahil hinahanggan ka naman ng nasa itaas. Dahil dito, may dagdag na namang bagong suwerte at  magagandang kapalaran na ipagkakaloob sa iyo ang langit.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 8, 17, 26,  38,  41, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Matamis na salita ang dapat mong bigkasin sa ngayon. Alalahanin mong lagi na madaling naaakit ang mga langgam sa matatamis na asukal. Ganon din ang gawin mo, tamisan mo ang salita sa sinumang lalapitan at hihingan mo ng pabor. Kapag nagawa mo yan, kahit na ang taong napakahirap lapitan ay hinding-hindi sa iyo makakatanggi. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 16,  23, 35, 42, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kailangang maging produktibo ka upang ang suwerte at magandang kapalaran ay masigla ring dumapo sa iyo. Unahin mo ang madadaling proyekto na iyong nasa isip at isnunod mo na lang ang matatagal at medyo mahirap gawin. Mapalad na kulay ang white.  Masuwerteng numero 1, 11,  29, 32, 40, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here