Mga Paraan para makapagmahal ng Wagas

Hindi naman porke nagmamahalan kayo ay masasabi na ninyong forever ‘yan. ‘Yung iba nga, nagsumpaan na sa harap ng altar pero naghiwalay pa rin. Kaya masasabi kong kailangan mong malaman ang Mga Paraan para makapagmahal ng Wagas

  1. Hindi lang kayo ng karelasyon mo ang magkasama, pati si God.  Mas magiging matibay siyempre ang inyong relasyon kung may basbas ni Lord. Siyempre, iyong kasal kayo. Gayunman, kahit hindi pa layo kasal kung lagi naman kayong nagsisimba o iisa ang pinaniniwalaan ninyo, mas magiging matibay ang inyong relasyon.
  2. Mahalin mo muna ang iyong sarili. Kung nais mong maging matibay ang inyong relasyon, dapat handa ka na talagang pumasok sa relasyon. Nguni magagawa mo lang iyon kung may matatag ka ng trabaho at may ipagmamalaki ka na para hindi ka rin maging kahiya-hiya sa pamilya at mga kaibigan ng iyong iibigin.
  3. Kung magmamahal ka, dapat walang kondisyon. Hindi lang dapat ang mga katangian niya ang mamahalin mo, pati na rin ang kanyang kapintasan. Kung hindi mo kasi yayakapin ang kanyang mga maling usali, siguradong lagi lang kayong mag-aaway.
  4. Huwag lang puro salita, kailangan ay mayroon ding gawa. Ipakita mo ang pagmamahal mo sa kanya sa pamamagitan ng iyong pagsuporta. Kung hindi mo nga siya sinasamahan sa anumang makapagpapasaya sa kanya, paano mo masasabi na mahal mo siya?
  5. Huwag mong gagawin sa partner mo ang ayaw mong gawin sa’yo. Kung ayaw mong magtaksil siya sa’yo, huwag ka ring gumawa ng bagay na ikaseselos niya. Kung ayaw mong magsinungaling siya sa’yo, magsabi ka rin sa kanya palagi ng katotohanan.
  6. Huwag magpapadaig sa emosyon. Kung may pinag-aawayan kayo, mas maiging itikom mo na lamang ang iyong bibig kaysa naman makapagsabi ka sa kanya ng makasasakit.
  7. Huwag balikan ang mga nagawang pagkakamali ng partner. Hindi naman dapat na magsumbatan pa kayo sa mga nagawa ninyong pagkakamali. Ang mga awayan ninyo dati na na-solve na ay huwag na balikan pa. Kaya, maiging kapag may isyu kayo sa isa’t isa ay solusyunan na ninyo agad at uwag na ulit-ulitin pa.
  8. Huwag kang sinungaling. Ang minsang pagsisinungaling ay isang malaking kamalian dahil mababawasan nito ang tiwala niya sa’yo. Saka nais mo bang sa susunod na may sasabihin ka sa kanya ay pagdudahan ka lang niya.
  9. Mahalin mo rin ang pamilya ng iyong karelasyon. Kung mahal mo talaga siya o mahal ka niya, kailangan ay nakikipaglapit din siya sa inyong pamilya at ganoon ka din sa kanyang pamilya. Kung maganda kasi ang pagtanggap sa’yo ng kanyang angkan ay magiging madali na ang buhay para sa inyo dahil walang kokontra sa inyong relasyon.
  10. Magkaroon palagi ng bonding. Kahit na abala kayo sa isa’t isa, kung mayroon kayong oras para magkuwentuhan ay magiging maganda ang inyong samahan. Kahit pa sabihin na magkalayo kayo kung mayroon kayong komunikasyon ay mas magiging matibay ang inyong relasyon.

O, ganito ba kayo ng mahal mo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here