Mga Babaeng Single, Masuwerte Sa Career

Napansin nyo ba na napakaraming babaeng single ang masuwerte sa kanilang career kaysa sa mga married women? Hindi naman nakapagtataka kung tutuusin dahil nasa kanila ang lahat ng oras nila para makapagfocus sa career na napili nila. Meron din namang mga single na wala lang silang karelasyon pero hindi sila nag-iisa sa buhay. Maaaring sila ay breadwinner ng pamilya. May mga magulang at kapatid na inaalagaan at hindi magawang pabayaan. Pero sa kabila nito ay nagagawa nilang magtagumpay sa buhay. Ano nga ba ang sikreto nila? Bakit tila sinasalo na nila ang lahat ng suwerte sa kanilang karera?

Time management. Mas madali para sa isang single lady na maayos ang kanyang oras. Bakit? Dahil siya lang ang magdedesisyon sa bagay na ‘yon. Walang asawa o kabiyan na makikialam kung paano dapat niya paiikutin ang kanyang oras sa bawat pagkakataon. Bagamat may pamilya siyang inaalagaan ay alam niya kung paano niya ibibigay ang panahon para sa kanila. Meron siyang malayang pagdedesisyon kung kaya’t nagagawa niya ang mga nais pa niyang gawin. Mag-oovertime siya sa work na walang inaalalang karelasyon na maghihintay sa kanya. Dahil hawak niya ang kanyang oras kaya naman magagawa niyang magpapalit palit ng karera kung kinakailangan na wala siyang dapat konsultahin kundi ang sarili niya. Hindi niya pinoproblema ang stress na dinadala ng isang taong may karelasyon na o may sarili ng pamilya,  kaya naitutuon niya ng buo ang atensyon niya sa trabaho. Dahil dito, mas maraming oportunidad ang lumalapit sa kanya kaysa sa mga may asawa. Mas pursigido rin siyang pagbutihan ang kanyang trabaho dahil alam niya na wala siyang ibang tao na maaasahan. Wala siyang ibang masasandalan kundi ang kanyang sarili. Nakadepende siya sa kung ano ang kanyang kakayahan. Kaya naman sisikapin niya na palaging maibigay ang best niya para hindi siya mapag-iwanan sa kangkungan. Ang tagumpay niya ang magiging satisfaction niya sa buha

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here