Dear Maria: Feeling in love pa rin sa ex

Dear Maria,

Normal lang bang maramdaman kong mahal ko pa rin ang ex ko kahit may iba na akong boyfriend? — Atasha

Atasha,

Kung hindi mo na mahal ang iyong ex, dapat ay hindi mo na siya maaalala pa lalo na’t mayroon ka ng boyfriend kaya siya dapat ang magpapasaya sa’yo. Ang ibig lang sabihin ng nararamdaman mo, hindi ka pa talaga nakakapag move on sa’yong ex. Talagang mahal mo pa siya kaya kahit may boyfriend ka na ay naaalala mo pa siya.

Ang boyfriend mo ngayon ay ginagamit mo lang para maibsan ang pangungulila mo sa’yong ex. At sa palagay ko ay maling-mali iyon na tiyak na sasang-ayunan din ng maraming kababaihan. Ikaw lang din kasi ang mahihirapan, gugustuhin mo ba iyon? Kung paninindigan mo na mahal mo na ang boyfriend mo, baka naman inaakala mo lang na in love ka pa sa ex mo.

Kung ang siste ay mayroon kang katangian ng ex mo na hinahanap-hanap mo, di ang ex mo ang mahal mo kundi ang magaganda niyang nagawa sa’yo na maaaring kakulangan ng boyfriend mo ngayon. Kung ganoon, dapat mong tanggapin na ang ex mo at ang boyfriend mo ngayon ay magkaibang tao.

Ang mabuti pa, tuluyan mo ng pawalan sa puso’t isipan mo ang iyong ex bilang respeto sa karelasyon mo ngayon. O kaya naman, kung talagang may damdamin ka pa sa ex mo kahit wala na naman kayong komunikasyon, mas maigi pa sigurong hiwalayan mo na lang siya.

Kaya, mag-isip kang mabuti kung ano ang iyong gagawin. Kung ako sa’yo, huwag ka na mabuhay pa sa alaala dahil ‘yan ay nasa isipan mo na lang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here