Alex Gonzaga, sobrang nakakaaliw sa kanyang Vlog

Sikat na sikat si Catherine ‘Alex’ Gonzaga sa pagba-vlog kaya naman na-curious akong panoorin siya sa kanyang youtube channel. Nang una ay hindi ko naman talaga gusto si Alex, para kasing ang arte-arte niya. Iyon nga lang, nagbago ang impresyon ko sa kanya nang mapanood ko na ang mga videos niya.

Hindi lang kasi niya ginawa ang videos na ito dahil gusto niyang kumita ng limpak-limpak na salapi. Marami na rin naman kasi siyang pera kaya tiyak na di lang ‘pera’ ang dahilan kaya isinasambulat niya sa buong mundo ang mga ginagawa niya sa kanyang buhay. Sa tingin ko ang pangunahing dahilan kaya gumagawa ng vlog si Alex G. ay dahil sa gusto niyang makilala ang kanyang pagkatao.

Kaya naman habang tumatagal ang panonood ko sa kanyang vlog, nabubura na rin sa aking isipan ang masasama kong impresyon sa kanya noon na maarte siya. Hindi naman kasi kaartehan ang kanyang pinapakita kundi ang totoong siya. Ang pagiging kikay niya, ang pagiging down to earth niya. Nagawa niya ring ibahagi kung gaano kaganda ang pagpapalaki sa kanya nina Daddy Bonoy at Mommy Pinty. Ang kanyang Ate na si Toni Gonzaga ay supportive ate din niya. Nakakatuwa rin ang kanyang Uncle Jojo at nakakakilig din na ibinabahagi niya ang lovestory nila ng konsehal ng Lipa na si Mikee Morada.

Kung ikaw ay pirming naba-bad trip palagi, mas maiging maglaan ka ng oras at panoorin mo ang mga vlog ni Alex Gonzaga, talaga kasing nakakatuwa at marami kang matututunan sa kanya at sa kanyang pamilya. Kaya naman masasabi ko na napakaganda ng pagpapalaking ginawa sa kanya ng kanyang mga magulang at ibinabahagi rin niya iyon sa ibang tao kaya naman masasabi kong, sana ay marami pa akong mapanood na vlog ni Alex Gonzaga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here