Huling-huling Nililigawan si Misis

Sabi ni Manong Jojo, hindi naman siya seloso pero nanggagalaiti pa rin siya kapag naaalala niyang may lalaking bumulong sa kanyang Misis. At kahit na ilang oras na ang nakalipas ay paulit-ulit p rin niyang kinukuwento ang eksena. Kaya, naisip ko, hindi nga ba siya nagseselos?

Sa palagay ko, kahit i-deny niya ay may selos din naman siyang naramdaman. Iyon nga lang, mas lamang iyong parang natapakan ang kanyang pagkalalaki. Talaga naman kasing nakakabastos iyong sitwasyon na may lalaking bubulong sa iyong asawa at ayon kay Manong Jojo, hindi lang iyon ang unang pagkakataon. Mayroon pang sitwasyon na inaalog ng lalaking iyon ng kanyang misis ng prutas.

Tsk, maling-mali naman kasi talaga na may lalaki na magbibigay ng prutas sa babaeng mayroon ng asawa. Kaya, kahit na pagkakaibigan lang ang layunin ng lalaking iyon ay hindi talaga paniniwalaan ni Manong Jojo. Isa iyong malaking kalokohan. Wala naman kasi talagang lalaking mag-aaksaya ng panahon mag-alok o magbigay ng prutas lalo na’t wala namang okasyon.

Kaya, sana sa mga lalaking nais pumorma sa misis na, mag-isip-isip na kayo. Baka mamaya ay magkagulo lang dahil sa kalokohan ninyo. Maghanap ka na lang ng babaeng para sa inyo o kung mayroon na kayong misis, huwag na kayong tumingin pa sa iba lalo na kung mayroon ng karelasyon dahil para kang naghahanap ng gulo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here