Ang pagkakaroon ng magandang mukha

Ito ang gagawin natin upang magkaroon tayo ng magandang mukha.

Una sa lahat ay dapat maging malinis tayong mga babae tingnan. Kahit maligo pa tayo araw-araw ay hindi sapat iyon upang maging malinis tayo tingnan, dahil araw-araw kahit hindi ka gumagalaw ay magkakadumi pa rin ang ating mukha dahil sa alikabok, lalong-lalo na kapag gumagalaw ka, pawisan ka pa, nangangamoy ka pa at nagmukha ka pang haggard. Kaya ugaliing maghilamos at magmasahe ng mukha kahit dalawang beses sa isang araw upang ma maintain ang pagiging flawless nito, dahil hindi pwedeng I compromised ang kagandahan ng ating mukha. Dito nakasalalay ang future nating mga babae.

Dapat ding uminom ng maraming tubig araw-araw upang hindi mag-dry ang ating skin, at dapat maglagay palage ng sunscreen protection moisturizer upang hindi mag dry at ma damage ang skin natin na natatamaan ng init ng araw.

Huwag ding kalimutang maglagay ng face mask araw-araw o di kaya’y sa gabi. Kailangan natin ang face mask upang malamigan ang ating mukha at mapanatili ang pagiging flawless nito. Reminder, Ang face mask ay iyong pampaganda hindi iyong ginagamit pampatakip sa mukha upangmakaiwas sa alikabok.

At ang huli ay dapat magkaroon ng tamang tulog sapagkat Ito ay hindi na nagagawa ng maraming kababaehan ngayon dahil sa klase ng kanilang trabaho. Lalong-lalo na iyong mga nagtatrabaho sa call centers, iba ang oras ng kanilang pagtulog kaya hindi na sila magkakaroon ng tamang tulog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here