Ano nga ba ang pag-aaral sa bahay?

Karamihan sa mga magulang ay mas piniling turuan ang kanilang mga anak sa bahay, imbes na i-enroll ito at mag-aral ayon sa formal setting ng publish or private na paaralan ay inako lahat ng mga magulang ang buong resonsibilidad para sa edukasyon ng kanilang mga anak. “Intense parenting” ang tawag sa mga magulang na mag-alay ng maraming oras para sa kanilang mga anak, ginagawa ang mahirap na trabaho at may pasensya upang mapaaral ang kanilang mga anak.

Ang pagpapa-aral sa ating mga anak sa bahay ay kadalasang ginagawa sa mga malalayong lugar, dahil sa subrang layo ng kanilang bahay patungo sa paaralan, ay mas pinili nalang ng mga magulang ang pagpa-aralin ang mga anak sa kanilang bahay. Hindi lang ang mahihirap ang gumagawa nito pati na din ang mga mayayaman. Ang kaibahan lang ay ang mga mayayaman ay makapag surf sa internet kung anong dapat matutunan o dapat ituro say kanilang mga anak. Habang Ang mga mahihirap naman ay nagtitiis sa kapiranggot na libro at kung ano lang iyong matutunan ng mga magulang ay iyon din ang ituturo nila sa kanilang mga anak.

Bakit ang pag-aaral sa bahay?

Dahil makikita ng mga magulang ang dahilan kaya mas pinili ng mga magulang ang pagpa-aralin nalang sa bahay ang kanilang mga anak. Ang pag-aaral sa bahay ay nakapagbigay ng mas magandang edukasyon, gusto nating malaman kung anong natutunan ng mga anak natin, maturuan nilang manampalataya sa diyos ng maayos, kukunti lang ang matututunan nila sa school, ang mag-aaral sa bahay ay mas relax, habang sa paaralan ay hindi masyadong nagchachallenge sa mga bata, mga problema sa behaviors ng ibang estudyante, problema sa transportasyon at iba pa.

Ang mga benepisyob nakukuha ng mga bata sa pag-aaral sa bahay

Sa maraming kadahilanan, Ang pag-aaral sa bahay ay naging matalino ang mga bata. Ayon sa mga eksperto, karamihan sa mga batang nag-aaral sa bahay ay mas mataas pa Ang average scores sa mga standardized tests. Ang mga home-educated college-students ay mas magpeperform pa kesa traditionally educated students.

Ang pag-aaral sa bahay ay one-on-one lang kayong nagtuturuan, habang sa mga paaralan naman ay maraming estudyanteng tinuturuan ang isang guro. At sa pag-aaral sa bahay matutulungan ninyong mag-aaral ng mabuti ang mga bata at Hindi din sila maimpluwensyahan ng ibang mag-aaral na gumawa ng hindi maganda at mag-aaral siya upang matuto, hindi iyong may hinahabol siyang grades, at higit sa lahat ay lumalaki siyang kasama ang kanyang pamilya.

Kung may magandang epekto Ang pag-aaral sa bahay ay may hindi magandang epekto din ito, minsan sinasabi ng iba na Hindi magandang ideya ang pag-aaral sa bahay, bakit Kaya?

Ang palaging nababanggit na badside sa pag-aaral sa bahay ay Ang social life ng mga bata. Ang mga bata ay Hindi makapag interact at makasalamuha ang ibang bata maliban lang sa kanyang pamilya. Ang pagbubuklod ng mga bata sa social world ay makakaapekto sa kanilang social skills na naging resulta sa pagkakaroon ng phobia sa ibang bagay. Subalit ito ay maiiwasan din kapag ang mga bata ay nakipagsiksikan sa ibang homeschooling kids. Ang matutunan ng mga bata ay limitado lang kapag ang mga magulang ay kukunti lang ang kaalaman sa buhay.

May maganda at Hindi man magandang epekto ang pag-aaral sa bahay ay may tradisyonal at curriculum tayong sinusunod tungkol sa pagpa-aral sa ating mga anak, upang sila ay matatawag na well educated person sa hinaharap.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here