Blind Love

Ang salitang pag-ibig ay nararamdaman nating lahat, walang taong hindi nakakaramdam nito. Ngunit minsan nasubrahan din ang pagbibigay natin ng ating pagmamahal dahil nabubulag na sa pag-ibig at kapag niloko ka na ng taong mahal mo ay wala kang ibang iisipin kundi ang magpakamatay sapagkat ayaw mong mawala sa iyo ang taong mahal mo at hindi ka handang harapin ang buhay mo na wala siya dahil siguro nasanay ka na lage siyang andiyan para sa iyo.

Ngunit may mga tao ding totoong nagmamahalan kahit may mga deperensiya pa ang kanyang partner, sapagkat mahal niya ito kaya sa halip na iwanan ito ay minahal niya Ito lalo at inaalagaan. Magkaiba talaga ang pananaw ng tao tungkol sa larangan ng pag-ibig.

May mga medyo bata pang lalaki na totoo ding nagmahal sa may mga edad ng babae na kanilang partner, kahit na may edad na Ito at walang pera. Kapag ganito ang naging sitwasyon ng isang lalaki ay iniisip ng mga tao na ginagayuma Ito ng babae kaya nagkaganon si lalaki.

May mga lalaki ding may itsura ngunit iyong naging girlfriend o pinili nilang maging asawa ay hindi maganda, minsan naiisip ng mga tao na baka mabait Ito kaya Ito ang piniling pakasalan ng lalaki. Ngunit paano naman kapag hindi na maganda at hindi din maganda ang ugali ay pinakasalan pa din Ito ni lalaki. Iisipin din ng mga tao na ginagayuma din Ito ng babae.

May mga bulag din na totoong nagmamahalan kahit pareho silang bulag ay hindi nila alintana ang kanilang kapansanan. Inaalagaan nila ang isat-isa dahil mahal nila ang isat-isa sa kanila. Hindi naging balakid ang pagiging bulag nila sa kanilang pagmamahalan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here