Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 17, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 17, 2020,  Biyernes – Matapos kang subukan ng tadhana, ag katulad mo ay muog na bakal, lalo kang titibay. Ang tibay mong taglay ang magsisilbing puhunan upang matupad mong lahat ang iyong inaambisyon sa buhay hanggang sa ikaw ay yumaman nang napakayaman. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 14, 27, 32, 41, 45. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa taong ito ng 2020 ikaw ang paggagalingan ng kakaibang suwerte hindi lamang sa iyo sarili kundi para rin sa iyong mga kasama. Ingatan mo ang lalagyan ng suwerte na iyong dala-dala, dahil marami pang magagandang kapalaran ang ilalagay diyan ng langit. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 10, 13, 18, 36, 42, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Iihip ang hanging amihan dadampi sa iyong pisngi. Biglang magbabago ang iyong pakiramdam. Kung ano ang mga pinapangarap mo ay isa-isang magkakaroon ng katuparan. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 2, 17,  32, 35, 40, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Parang sanggol na babantayan ka ngayon ng mga anghel sa langit. Hindi ka maaano kahit na magsilabasan pa ang mga lantad at lihim mong kaaway. At dahil binabantayan ka ng iyong “anghel dela guwardiya” anumang kailangang-kailangan mo ang hilingin mo ay tiyak na magkakatotoo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 8, 13, 22, 34, 42, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mapaparam at mawawala na ang mga hinanakit mo at mapapalitan ng labis na kagalakan sa sandaling dumating na ang malalaking suwerte na regalo sa iyo ng langit. Basta maging madasalin ka at alisin ang galit at pagmamaktol sa iyong puso at isipan, makikita mo, ang regalong ito ng langit ay agad mong matatanggap. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 19, 25, 37, 42, 45.    

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Iyong iba ay sinusubok kaya kaunting problema lang ay madaling sumusuko at nabubuwal. Pero ang sa iyo ay kakaiba, habang sinusubok ka ng langit, lalo ka namang tumatatag at tumatapang. Ang isa pang magandang balita, ang lahat ng pagsubok ng darating sa iyong buhay, ay magagawa mong oportunidad upang lalo pang gumanda ng gumanda ang iyong kapalaran.  Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  5, 11, 23, 36, 41, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Matatag na pagkatao ang regalo sa iyo ng langit. Gamitin mo ito sa bawat hamon ng kapalaran. Makaaasa ka na susuko sa iyo ang lahat ng pagsubok at mga problema. At dahil susuko sa harapan mo ang mga problema, sa dakong huli malaking pagwawagi ang iyon maiuuwi.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 17, 26, 28, 31, 35.  

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Inuutasan ka ngayon ng iyong kapalaran na lasapin ang mga suwerteng nasa sa iyo na. Ibig sabihn, kahit panandalian lang ay namnamin mo ang lasa ng masarap mong buhay. Gawin mo ang isang bagay na nagpapasaya sa yo – mag-shopping o kaya’y mamasyal kung saan-saan. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 12, 27, 30, 35, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Oo medyo nakukulangan ka pa sa mga biyayang natatanggap mo at alam yan ng nasa itaas. Kaya naman kikilos ang langit at magdadagsaan ang suwerte at magagandang kapalarang darating sa iyo sa susunod na mga araw. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  7,  10,  20, 25,  35, 43. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Nagbabalak kang ibagsak ng mga naiingit sa iyo at ng mga nakaka-intrigahan mo. Ngunit hindi sila mananaig at dahil mabagsik ang iyong kapangyarihan sa ngayon, sila na nagbabalak ng masama sa iyo ang ibabagsak ng langit – sila ang mapapahamak at malalagay sa sobrang kahihiyan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 6, 15, 27,  32,  42, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Minsan pa sa taong ito ng 2020 muli mong ilabas ang lakas ng iyong loob. Gamitin ang lakas ng loob na ito at makakaasa ka na ang malaking tagumpay na noon mo pa gustong-gusto makamit ay ipagkakaloob na sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  9, 18, 26, 37, 41, 44.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Pahalagahan mo ang mga munting tulong na iyong natatanggap. Ganon din ang mga biyayang dumarating sa iyo kahit anupa ito. Habang pinapahalagahan mo ang lahat ng bagay at tanggap lang ng tanggap ng may pasasalamat, darami iyan ng darami, hanggang sa maging isang dambuhala at napakalaking suwerte.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 7,  16,  22, 34, 41, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nagsisimula muna sa ambon ang ulan bago tuluyang lumakas ng todo. Ganon din ang iyong suwerte, mo sa taong ito ng 2020, paisa-isang patak muna, pero habang nagtatagal, dadami na ng husto ang buhos ng suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay. Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 3, 9, 15, 29, 37, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here