Maria Clara Goals: 6 Conservative Tips Para Mapa-Ibig Mo Siya

Sabi nila, iba na daw ang modernong babae ngayon. Pagdating sa fashion trends, culture, choices at iba pa, hindi na katulad dati ang mga kababaihan ngayon. Read on.

Pero pag dating sa panliligaw, may nag bago na nga ba? Noon, kapag gusto kang ligawan ng isang lalake, kailangan ay bumisita siya sa inyong bahay, magdala ng pagkain o bulaklak at kailangan ay tumulong sa mga gawaing bahay para ipakita ang kanilang intensyon. Umaabot din noon sa ilang taon ang panliligaw bago pa man sagutin ng babae ang lalaki. Nakakakilig din kung iisipin, dahil mas pasensyoso ang mga tao noon, dahil ang panliligaw ay umaabot talaga ng matagal na panahon at hindi dinadaan sa madalian. Ang pagtatalik ay sagrado din at konserbatibo ang mga kababaihan noon.

Kung ikaw ay isang klase ng babae na sanay pa rin sa konserbatibong pamamaraan ng panliligaw, at gusto mong mapasagot at mapa-ibig siya sa ganitong approach, basahin ito.

1. Siguraduhin mo na may intensyon talaga siyang mabuti sayo

Makikita mo agad kung maayos ang intensyon ng lalaki sayo. Una sa lahat, dapat ay magpakilala siya ng maayos sa pamilya at mga kaibigan mo. Sa ganitong paraan, pinapakita niya na mabuti ang intensyon niya at wala siyang planong ligawan at paasahin ka lamang. Maganda rin na bumisita siya sa bahay ninyo at hindi makipagkita lamang sa labas o sa malayong lugar.

2. Huwag kang padalos dalos

Hindi ninyo kailangan magsabihan na mahal ninyo na ang isa’t isa. Dapat ay kilalanin ninyo muna ang bawat isa sa pamamagitan ng mga makabuluhang pag-uusap at hindi lamang paglalandian. Bigyan din ninyo ng oras ang bawat isa para makita ang mga pagkaka-iba ninyo sa isa’t isa. Walang mali ditto, at least mas malalaman ninyo kung ano ang pwede ninyo pang baguhin sa proseso ng ligawan ninyo.

3. Maging prim and proper ka sa harapan niya

Huwag mong iparamdam sa kanya na easy-to-get kang tipo ng babae. Dapat ay hindi ka magaslaw kumilos nang sa gayon ay mabigyan mo siya ng signales na hindi ka bastusin at hindi ka available sa landian lamang. Engage him into a letter writing activity. Magsulatan kayo sa isa’t isa kaysa mag-text o chat. Exciting yan, sigurado!

4. Hindi ka dapat mag-madali, kahit umabot pa kayo ng taon

Bigyan ninyo ng respeto ng oras at mahalin ninyo ang bawat segundo na magkasama kayo. Dapat ay hindi kayo magpa-dala sa mundo ngayon na laging nagmamadali at laging dapat agad-agad ay nakukuha ang mga bagay-bagay. Sa ganitong paraan, matututo din kayong maging mas pasensyoso, may self-control at may respeto sa isa’t isa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here