Dear Maria: Hindi love ni Labs

Dear Maria,

In love ako sa aking kaklase pero may girlfriend na siya. Ano ang aking gagawin? Parang di ko kayang mabuhay na wala siya. Mahal ko na kasi si Mark. — Sally

Sally,

Kahit pa sabihin mong super duper in love ka sa isang tao, wala ka ring magagawa kung hindi ka naman niya minamahal. Mas maigi pang tanggapin mong may minamahal siya at kailanman ay di naging kayong kaya huwag kang umasta na para bang may nakaraan kayo. Sabi mo nga, kaklase mo lang naman siya.

Kahit pa sabihin mong matindi ang atraksyon mo sa kanya, hindi ako naniniwala na in love ka sa kanya. Paano naman kasi mangyayari iyon kung wala naman kayong pinagsamahan. Ni hindi mo nga nasabi na magkaibigan kayo. Gayunman, maniniwala ako kung sasabihin mong obsess ka sa kanya.

Kung ikaw ang tipo ng tao na sanay na nakukuha ang lahat ng naisin mo, talaga ngang hindi mo siya tatantanan hangga’t di mo siya nakukuha. Iyon nga lang, anong gagawin mo para mangyari iyon? Aagawin mo ba siya sa kanyang kasintahan? Maaari ngang magtagumpay ka pero may tendensiya rin na mabigo ka. Kapag nangyari iyon, parang kinakawawa mo lang ang iyong sarili.

Wala naman kayong malalim na pinagsamahan niyang kaklase mo na sinasabi mong mahal mo kaya huwag mong isipin na di mo kayang mabuhay ng wala siya. Isang malaking kalokohan iyon. Kung spoiled ka kasi, baka sa paningin mo ay isa lang siyang mamahaling laruan na kapag nakuha mo na ay pagsasawaan mo rin. Kaya nga lang, di naman laruan si Mark, may sarili siyang utak at damdamin kaya kung hindi ka niya gusto, tanggapin mo na lang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here