Player Alert: 10 Signs na Pinaglalaruan Ka Lang Niya

Maraming obvious sa mundo, pero hindi lahat ay handa sa katotohanan na pwedeng pag-laruan ka lang ng isang taong nasisimulan mo nang magustuhan. Read on.

Kung may takot nang namumuo sa puso mo dahil kinukutuban ka na sa crush o nagugustuhan mong tao, basahin ang article na ito at tingnan ang signs kung posible bang seryoso siya o pinaglalaruan lang din ang damdamin mo. Tandaan, mahirap kapag martir ka, kelangan imulat mo mata mo sa katotohanan.

1. Malandi siya sayo… pero hindi lang sayo

Kung napapansin mo na iba siya kumausap sa mga babae at “touchy” siya, maaaring isang malanding klase talaga siya ng tao at hindi exclusive pagdating sa “dating”

2. Hindi siya nagku-kwento tungkol sa mga past relationships niya

Or pwedeng nagkukwento siya pero hindi kumpleto ang kwento niya o pinapalabas niya na mabait siya.

3. Open relationship sila ng girlfriend niya o di kaya ay cool off sila, kaya kinakausap ka niya

Most likely, totoo ito at gusto niyang iparating sayo na “honest” siya pero hindi siya willing i-give up ang girlfriend niya at pansamantala, ikaw muna ang paglalaruan niya.

4. Siya mismo ang dumidiretsa sayo

“Ayoko sa relasyon”

“May kasama akong babae kagabi”

“Player ako..”

5. Diretsahan ang panliligaw niya sayo, walang kaba, at nagmamadali

Kapag sincere ang isang tao sayo, medyo kinakabahan pa siya sa una at hindi siya puro yabang sa katawan. Ang isang taong nagsasabay sabay ng mga tao ay masyadong confident at gusto agad-agad nakukuha ang gusto nila.

6. Mabilis siya kausap pag dating sa sex

Mapapansin mo na marami na rin siyang naka-“one-night-stand” at wala siyang pakielam sa sanctity ng marriage. Mas pipiliin niyang ipakita sayo na mahal ka niya sa pamamagitan lamang ng sex. Para sa kanya, nasa makabagong panahon na tayo kaya dapat hindi na importante ang respeto sa totoong disenyo ng Diyos sa Marriage.

7. Mayroon siyang “stalker” o “psycho” na ex-girlfriend

Usually pag ganito, ibig sabihin ay may kinikita pa siyang ibang babae at nilalaro lang niya kayong lahat.

8. Nakakalimutan niya yung mga detalye sa buhay mo

Kapag nagkukwentuhan kayo, mas madalas na nakakalimutan niya ang mga nakwento mo na sa kanya noon na mga detalye sa buhay mo. Hindi niya ito maalala dahil masyado na siyang information ng iba ibang babae sa utak niya.

9. Hindi siya close sa mga ex niya

Mapapansin mong player siya kapag hindi siya close sa mga ex niya. Pwedeng iba rin ang rason pero medyo sketchy na yun kapag ni-isa wala siyang kaibigan sa mga minahal niya noon.

10. Play safe siya gumawa ng desisyon

Gusto niya lagi hindi siya dehado pagdating sa mga desisyon. Gusto niya laging pabor sa kanya ang sitwasyon. Ayaw niya kasi yung feeling na naloloko siya. Isang mechanism ito na tinatawag na “projection” kung saan ang tingin niya sa iba ay kung ano talaga siya. (Halimbawa: manloloko siya, kaya ang tingin niya sa iba ay manloloko din)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here