Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 16, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 16, 2020,  Huwebes – Ikaw ang taong malayo ang mararating. Ibig sabihin hindi simple ang buhay na sa iyo ay nakalaan. Napakayaman ng iyong imahinasyon at mataas din ang iyong pangarap. At ang mga pangarap na ito sa tulong ng langit ay madali mong maabot at mararating. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 7,  18,  22, 34, 41, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa taong ito ng 2020 may lalapit sa iyo at kahit iwasan mo lalapit pa rin ito ng lalapit sa iyo.  Sa araw na ito ang lalapit sa iyo ay ang suwrte. Pero hindi sapat na malapit lang sa iyo ang suwerte, dapat na ito ay yakapin mo. Mayayakap mo ang suwerte at hindi na aalis sa iyo kailan man, kung tutulong ka sa mga mahihirap at sa mga kapos-palad.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  8, 18, 24, 37, 42, 45.    

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Masaya ang lahat pero ikaw ay hindi gaano, dahil ang mga problema mo ay hindi pa rin nalulutas. Gusto mo bang malutas ang problema mo? Magsuot ka ng kulay na pula at asul at puwede rin  ang lilac o kaya’y maroon. Makikita mo kapag nagawa mo yan, dadaloy na ang suwerte at magagandang kapalaran sa iyong pagkatao. Masuwerteng numero 2, 11, 28, 29, 37, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Bahagi na ng buhay mo ang makipag-sosyalan. Inuutusan ka ngayon ng kapalaran upang makipagsosyalan. Makipagkuwentuhan sa mga kaibigan at kung sinumang tao ang masarap kausap. Kapag ganyan ka, magsisimulang magnining ang iyong personalidad, na sasagap ng sari-saring suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 1, 14, 25, 29, 34, 40.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Habang hindi mo sinisimulan ang iyong balak, hindi ito magkakatotoo. Ito ang araw, upang itigil ang dati mo ng nakaugaliang, isip ng isip ng wala namang pagkilos. Ituutusan ka ngayon ng langit upang kumilos. Kumilos ka lang, madali mong  matatapos ang iyong mga balak na magdadala sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 28, 32, 44.  

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi nahihirapan ang agos ng tubig sa batis, dahil sumasakay lang siya sa alon, hanggang sa mapunta siya sa ilog. Sakyan mo lang ang agos ng mga pangyayari, at hindi ka dapat sumalungat. Kapag sakay ka lang ng sakay sa pangyayari, dadahilin ka ng  buhay  sa suwerte at magagndang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4, 19, 25, 37, 41, 42.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Isa…Dalawa… Tatlo! Ito ang makapangyarihang bilang, kaya sila nakakabuhat. Ito rin ang pamilang kapag handa ng ipatupad ang isang bagay. Isa.. Dalawa.. Tatlo! Pero ang sa iyo ay kakaiba. Dahil hindi Isa… Dalawa…Tatlo ang mapalad mong bilang. Kundi,  Isa… Dalawa…Tatlo… Apat at Lima. Oo subukan mong gamitin at piliin lagi ang numerong five (5) lalo na ang tatlong singko (555), makikita mo, bubuenasin ka. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  4, 7, 19, 34, 31, 40. 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Dito sa mundo isang batas ng katalagahan na pangkaraniwan ng ang malakas ay nananaig. Pero ang sa iyo ay kakaiba, hindi makapananaig sa iyo ang malakas, dahil higit na makapananaig sa malakas ang maganda. Tama, ang ganda mo iyong sandata upang magapi mo ang sinumang nais mong talunin. Bukod dito, ang ganda mo rin ang aakit ng suwerte at mas marami pang magagandang mga kapalaran. Kaya alam mo na ngayon kung ano ang dapat na lagi mong gawin? Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 12, 20, 34, 42, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Akala ng iba ay sobrang dominante ka at maangas. Ang hindi nila alam, may bahagi rin sa iyong puso na maawain at mapagpatawad. Ngayon papalapit na ang iyong kaarawan,  minsan pa, ipamalas mo ang iyong mabuting kalooban. Patawarin mo na ang sa iyo ay nagkasala at may mga pagkukulang, kahit na hindi sila humihingi ng sorry. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  2,  16,  21, 25,  33, 44. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi pa tapos ang pagdating ng suwerte sa buhay mo. Ang mga nagdaang magagandang kapalaran ay pasimulan pa lamang ng mas marami. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay magpatuloy, at lalo mo pang pagbutihin ang iyong ginagawa. Tuloy-tuloy kang kakasyahan ng langit kaya ang lahat ng iyong pagkilos ay magbubunga ng suwerte at ng magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 1, 19,  31, 35, 40, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kung ang iba ay umiiwas na tumulong dahil nadidistorbo ang pribado nilang buhay, ikaw naman ay inuutusan ng nasa itaas na ipagpatuloy mo ang pagtulong sa mga tao. Wala kang magagawa, ito ang inatas sa iyo ng kapalaran – ang tumulong. Ngunit sa pagtulong na ito, matutuwa sa iyo ang langit, kaya ikaw ay padadalan ng mas marami pang mga biyaya at suwerte ng higit sa mga pangangailangan mo.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 17, 26,  32,  42, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Iwasan mo ang taong kumokontra sa iyo, dahil sila ang nakahahadlang kaya hindi makapasok sa buhay mo ang  magandang kapalaran. Maghanap ka ng mga taong umooo at sumasang-ayon lagi sa iyo. Sila ang samahan mo dahil sila ang gagamiting instrumento  ng langit upang ang suwerte at magandang kapalaran ay tuloy-tuloy ng pumasok sa iyong buhay.  Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 12, 24, 36, 41, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Paikot-ikot lang ang buhay, dahil paiko-ikot lang ang mundo. Matutulog, magta-trabaho, kakain, gigising at matutulog uli.  Pabalik-balik lang ang lahat ng iyan. Tama ang kundisyon ng iyong isipan, “kung saan ka masaya yon ang gawin mo at doon ka pumunta.” Kapag lagi kang masaya, kahit sabihin pa nilang paulit-ulit lang ang mga pangyayari, ang suwerte at magandang kapalaran ay mamalagi sa iyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 14, 27, 32, 42, 45. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here