Mga dapat Tandaan sa Matagumpay na pagsasama

Hindi naman porke nagmamahalan kayo ay nakakasiguro ka nang magkakaroon kayo ng forever. Siyempre, lubos lang ninyong makikilala ang isa’t isa kapag magkasama na kayo sa iisang bubong. Kaya, kung talagang gusto ninyong magkaroon talaga ng forever, naririto ang Mga dapat Tandaan sa Matagumpay na pagsasama

Una, Alamin ang gusto at ayaw ng isa’t isa. Kung talagang gusto mong magkasundo kayo, huwag na huwag mong gagawin ang mga ayaw niya. Siyempre kapag gumagawa ka ng bagay na ikagagalit niya ay palagi lang kayong mag-aaway. Isipin na wala kang respeto sa kanya kaya baka pati ang pagmamahal niya sa’yo ay mabawasan. Kung nais mo naman na madagdagan ang pagmamahal niya sa’yo, gawin mo ang mga gusto niya. Tiyak kasi na siya ay kikiligin at lalalim pa ang pagmamahal niya para sa’yo.

Pangalawa, Magkaroon ng pagkakasundo. Ang mga schedule ninyo ay kailangan ninyong pag-usapan mabuti. Alam naman natin na para gumanda ang buhay ng mag-asawa ay kailangan nilang magtrabaho ng mabuti. Hindi lang para sa kanila kundi para sa kanilang mga anak. Gayunpaman, kahit gaano kayo kaabala sa isa’t isa, nararapat lang naman na may panahon pa rin kayo sa isa’t isa.

Pangatlo, Sabay na matuto. Kung mayroon man kayong problemang pinagdaraanan, magkahawak kamay ninyong harapin iyon. Kapag kasi may isang bumitaw, tiyak na magkakaroon na rin ng katapusan ang pagsasama ninyo.

Pang-apat, Huwag hanapin ang pagkakamali ng bawat isa. Wala namang taong perpekto kaya kung may pagkakamaling nagawa ang partner mo noon, huwag mo na isumbat pa sa kanya. Mag-move on na lang para di na niya magawa pa ang pagkakamali na iyon. Siguro naman ay mabubuwisit ka rin kapag isinumbat niya ang pagkakamali mong nagawa. Kaya, kapag may problema ay pag-usapan na lang ng maayos.

Panlima, Magkaroon ng komunikasyon. Maging bukas palagi sa isa’t isa. Huwag na huwag maglilihim dahil ito ang simula ng pagkakasira ng inyong relasyon.

O, kaya ba ninyong gawin ito ng partner mo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here