Mga Sakit Na Dulot Ng Ashfall

Dahil sa pagsabog ng bulkang Taal, ang ‘sangkaterbang abo na ibinuga nito ay talaga namang hindi biro at nagdudulot ngayon ng pangamba sa marami. Kung magpapatuloy pa ito ay mas lalong tataas ang pangamba ng mga tao na maaaring maapektuhan. May mga sakit na maaaring idulot ang ash fall sa sinumang makakasinghot nito.  Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod.
1.Pag-ubo

2.Bronchitis-like illness

3.Hirap sa paghinga

4.Pangangati

5.Iritasyon sa balat

6.Iritasyon sa lalamunan

7.Iritasyon sa mata

8.Iritasyon sa ilong.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, Kapag nakaranas ka ng sintomas ng sakit na ito ay kinakailangan na agad kang komunsulta sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar upang agad kang mabigyan ng kinakailangang atensyong medikal. Upang maiwasan naman ang mga sakit na ito ay siguraduhin mo na masusunod mo ang kinakailangang prevention tulad ng pagsusuot ng face mask at goggles. Ibaba ang mga kurtina upang maiwasan na makapasok ang ashfall at kung kinakailangan na mag-evacuate ay matutong sumunod upang malayo sa lugar na mas mapanganib sa ash fall. Inirekomenda rin ng DOH ang paggamit ng N95 mask bilang proteksyon.

Sa mga ganitong pagkakataon ay dapat tayong maging alerto sa maaaring maging epekto sa ating kalusugan ng kinakaharap nating kalamidad. Unang-una nating iisipin ang kaligtasan ng ating buhay at ng mga mahal natin sa buhay. Gayundin ang mga alaga nating hayop o kahit na hindi natin ito pag-aari. Ang kanilang kalusugan ay maaari ring maapektuhan tulad ng sa atin. Kaya naman palagi tayong mag-ingat dahil ang ating buhay ay nakasalalay hindi lamang sa kaligtasan mula sa naranasang kalamidad kundi lalo’t higit sa ating kalusugan. Kung sapat naman ang ating kaalaman para maiwasan ang mga sakit na dulot ng ash fall, maaari natin itong ibahagi sa iba. Huwag tayong mag-alinlangan na ipagkaloob sa iba ang ating nalalaman para na rin sa kanilang kaligtasan. Walang hindi malalampasan sa nagtutulungang mga mamamayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here