Ang dapat gawin kapag basa na ang iyong papel

Tigilan mo na ang iyong pagsisinungaling kung alam mo naman na basang-basa na ang iyong papel sa isang tao. Maaari kasing kaya hindi lang niya sinasabi sa’yo na buking ka na niya ay dahil nais lamang niya na umamin ka. Ibig sabihin, binibigyan ka pa niya ng pagkakataonm kaya kailangan naman ay sunggaban mo ang pagkakataon na iyon.

Kahit naman kasi ano ang dahilan mo kaya ka nagsisinungaling ay mali pa rin iyon kaya mas maigi na ring umamin ka para ikaw ay maintindihan. Kaya, ang pride na iniingatan mo ay kailangan mo na ibaba at umamin ka sa’yong pagkakasala. Iyon ang pinakamabuti mong gawin.

Kailangan mo rin namang tandaan na ang pagsisinungaling ay walang mabuting maidudulot sa’yong buhay. Katunayan, ang pagsisinungaling ang pinakamasamang gawain ng isang tao dahil may tendensiya na ikaw ay magnakaw at pumatay dahil lang sa pagsisinungaling mo. Kaya, sa anumang pagkakataon, kailangan mong magsabi ng katotohanan.

Ang mga taong nagsasabi ng totoo, kahit pa sabihing, siya ay masakit magsalita, ay inirerespeto. Kailangan mong tandaan iyan para naman magdalawang isip ka ng magsinungaling. Kung mayroon ka pa ngang natirang konsensiya ay mararamdaman mo rin na may guilt ka kapag may napahamak dahil sa’yong pagsisinungaling.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here