Sino ba ang dapat masunod?

Sa loob ng pamamahay natin Sino ba ang dapat masunod? Si nanay ba o si tatay?

May mga magulang na ang kadalasang pinagtatalunan ay iyong tungkol sa kung sino sa kanila ang dapat masusunod sa loob ng kanilang pamamahay.

Halimbawa, kung may sasabihin si tatay o di kaya’y may ipapagawa at gusto niyang sundin mo o gawin kung ano iyong sinasabi niya. Subalit sinasalungat Ito ni nanay, dahil gusto niyang iyong sinasabi niya o iyong pinapagawa niya ang masusunod. Sa palagay niyo ano ang nararamdaman ng isang bata kapag ganito ang sitwasyon ng kanyang mga magulang?

Maguguluhan siya at hindi na alam kung ano ang kanyang gagawin dahil kapag hindi niya sinusunod si tatay ay nagagalit ito, at ganoon din si nanay.

Ang ganitong bagay ay dapat pinag-uusapan ng mag-asawa upang hindi magulo ang pamilya nila at lalong hindi maguguluhan ang mga anak nila, dahil hindi na nito alam kung ano ang dapat gawin, nagagalit sila pareho kapag hindi sinusunod ang inuutos o pinapagawa nila sa kanya.

Nasa sa inyong mag-asawa na iyon kung anong tamang gawin para sa pamilya niyo at upang magkaintindihan din kayo. Isipin niyo ang inyong mga anak upang hindi maapektuhan ang utak nito ng dahil sa bangayan ninyong mag-asawa tungkol sa kung sino man ang dapat masunod.

Pag-usapan ninyo ang problema niyo upang maaayos Ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here