Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 14, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 14, 2020,  Martes – Kung sa iba ay paisa-isang lang ang biyayang natatanggap sa ‘yo ay kakaiba, ang mga biyaya mo ay laging doble. Ganon din ang suwerte, hindi lang marami – parami pa ng parami bawat araw. Upang magpatuloy ang ganoong buhos ng magandang kapalaran, sa taong ito ng 2020, wag mag-alinlangang ibahagi sa iba ang sobra mong mga biyayang natatanggap. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 14, 27, 28, 32, 41.  

ARIES  (Marso 21 – April 19) Mabigat ang problema ng iba. Wala silang kapera-pera at halos kulang pa sa pagkain ng pamilya ang hawak na budget. Kulang na nga, may mga obligasyon pang dapat na bayaran. Pero ang sa iyo ay kakaiba, ang pinoprolema mo ngayon ay kung saan department store kumbinyenteng mamili na mga original at magagandang mga gamit? Kaya anumang biyaya ang nasasa iyo sa ngayon, matututo kang magpasalamat at ibahagi mo sa iba ang ilang sa iyo ay sosobra.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  3, 18, 27, 33, 39, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Huwaran sa kasipagan at pagsisikap. Ito ang angkin mong taglay, kaya hindi ka man hinahangaan ng mga tao dahil hindi naman nila ito gaanong  nalalaman, wag kang malungkot dahil hinahanggan ka naman ng nasa itaas. Dahil dito, may dagdag na namang bagong suwerte at  magagandang kapalaran na ipagkakaloob sa iyo ang langit.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 8, 17, 26,  38,  41, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi ba’t sabi mo, maligaya ka na kapag maligaya ang mga mahal mo sa buhay? Kahanga-hanga ang iyong kababaang loob at dahil dito kikilos ang mapagpalang langit at ikaw ay huhulugan ng napakaraming mga suwerte at biyaya na ngayon mo lang mararanasan sa tanang buhay mo. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 19, 25, 29, 34, 40.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw upang kumustahin mo ang isang tao na matagal mo ng hindi nakakausap. May magandang oportunindad siyang ibabalita sa iyo na pareho ninyong ikatutuwa at ikauunlad. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 9, 24, 36, 42, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sa panahong ito hindi mo dapat ipilit ang iyong gusto at ang iyong katuwairan sa ibang tao na ayaw maniwala sa iyo. Hayaan mo sila sa kanilang paniniwala. Habang ikaw,  patuloy mo lang gawin ang alam mong tama. Sa ganyang paraan, uunlad ka ng uunlad, habang sila na hindi naniniwala sa iyo, ay  maiiwan mo ng  milya-milya sa pansitan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  9, 12, 24, 36, 41, 45.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Matatamis na salita ang dapat mong bigkasin ngayong taong ito ng 2020. Alalahanin mong madaling naaakit ang mga langgam sa matamis na asukal. Ganon din ang gawin mo, tamisan mo ang salita sa sinumang lalapitan at hihingan mo ng pabor. Kapag nagawa mo yan, kahit na ang taong napakahirap lapitan ay hinding-hindi sa iyo makatatanggi. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 16,  23, 35, 42, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Itabi mo muna ang lahat ng inaakala mong pampasuwerte na nakakabit sa iyong katawan, dahil ang pinakamabisang lucky charm mo ngayong taong ito ay ang iyong ngiti. Ngitian mo lang ang bawat taong iyong makakaharap at makakausap. Kapag ganyan ka, nakangiting lagi, anumang mahirap na bagay ang ilalapit mo sa iyong kausap madali nilang ipagkakaloob sa iyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 14, 21, 32, 42, 45. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ang pangako ng puso ay hindi dapat suwayin. Anuman ang ipinangako mo sa iyong kasuyo, tuparin mo. Dahil tulad ng paulit-ulit nang nakatala sa aklat ng iyong kapalaran: “Patuloy na darating ang mas marami pang suwerte, habang ikaw ay nagma-mahal.” Oo habang ikaw ay umiibig lalo na sa iyong mga kapamilya at sa mga taong malalapit sa puso mo, ang susuwerte ay patuloy na bubuhos sa iyo. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6, 10,  21, 30,  33, 44. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Kung marami kang suwerteng nakamit nitong nagdaang taong 2019, umasa kang higit na susuwertehin ka ngayong 2020. Ang mas mainam, lagi kang magpasalamat sapamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan ng hindi mo dapat ipamalita. Sa ganyang paraan lalo ka pang susuwertehin ngayong taong ito ng 2020. Mapalad ang kulay na red. Masuwerte ang numero 9, 18, 27, 33, 40 at 45.  

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kapag kulimlim ang panahon, nagiging kulimlim din ang kapalaran ng ibang mga tao. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kapag kulimlim ang panahon at maulap ang langit at umaambon-abon Ito ang pinaka-paborableng araw sa iyo.  Gawin mo ang lahat ng mga bagay na mataagl mo ng pangarap magawa, at makikita mo, magkakaroon ng agad-agad na katuparan. Paano pa kaya kapag bumuhos ang ulan, lalo kang susuwertehin at pagkakaloob ng mas magagandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 34, 39, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Nasobrahan yata ang iyong pananahimik dahil makikitang mas gusto mo na ikaw ay nag-iisa at walang kasama. Hindi maganda ang ganito, kaya makipagkuwentuhan ka sa isang kaibigang mataba, siya ang magbibigay sa iyo ng suwerte at lulutas ng iyong mga problema. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  1, 13, 22, 27, 31, 42.   

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kailangang maging produktibo ka upang ang suwerte at magandang kapalaran ay masigla ring dumapo sa iyo. Unahin mo ang madadaling proyekto na iyong nasa isip at isnunod mo na lang ang matatagal at medyo mahirap gawin. Mapalad na kulay ang white.  Masuwerteng numero 1, 11,  29, 32, 40, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here