May isang salita

Kung may mga tao’ng walang isang salita, ay mayroon ding mga taong may isang salita, kapag nagpaalam itong umalis upang magtrabaho sa abroad ay nangako itong babalikan ang kanyang minamahal, at nangakong hindi Ito magpa distract sa ibang babae, at nangakong siya lang ang babaeng mamahalin habang buhay. May mga tao’ng may isang salita talaga at tinutupad iyong mga pangako nila sa minamahal nila. Nakadepende naman talaga iyon sa mga taong nagpapadala talaga sa temptation.

Ganoon din ang naiwan dito sa pilipinas, pinanghahawakan niya ang pangakong iniwan ng kanyang minamahal at matiyagang hinihintay Ito sa pagbabalik nito. Ang totoong pagmamahalan nila ang kanilang pondasyon upang magkaroon sila ng matibay na relasyon.

Ang pagkakaroon ng matibay na relasyon ay nakadepende iyon sa mga taong nagmamahalan kung nagpapadala sa temptation sa mga taong nakapalibot sa kanila.

Kung panghahawakan talaga nila ang pangako sa isat-isa at hindi mag-iisip ng kung anong nugatibong isipin at magtiwala lang sa isat-isa.

Dapat makinig sa side ng ating minamahal, hindi iyong hinuhusgahan na natin sila agad, dahil hindi natin alam kung anong nangyayari sa kanila kung bakit hindi nakatawag o hindi nasagot ang tawag niyo. Hindi natin alam na baka may emergency kaya hindi Ito nakatawag. Hintayin natin silang tumawag at maghintay ng kanilang paliwanag at huwag magalit agad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here