Magkaribal na magpinsan

Minsan may mga pangyayari sa buhay natin na hind inaasahan, kahit hindi tayo naging pasaway, ngunit nadadala tayo sa matatamis na pangako sa taong minamahal natin, dahil sa sobrang pagmamahal natin sa kanila ay binibigay natin lahat, subalit hindi na natin alam na niloloko lang pala tayo sa taong inaakala nating Mahal ka. At ng mabuntis ka’y kung anu-ano na ang sinasabi nito sa iyo at hindi nito inaangkin na siya ang ama ng batang dinadala mo.
Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman mo ay hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo. Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi natin alam na may mga tao palang sikretong nagmamahal sa iyo. Ang masaklap lang ay pinsan Ito sa nakabuntis at nang-iwan sa iyo. Inaamin nito na kahit nagkaganoon ang sitwasyon mo ay handa ka niyang tanggapin at pakasalan kahit nabuntis kapa ng pinsan niya handa siyang sumagot bilang ama sa kanyang binubuntis. Ngunit magpinsan pa rin sila sa ama ng batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan kaya hindi maiwasang magkikita pa rin sila nito.
Pangit mang tingnan sa mga mata ng mga tao ngunit wala kang magagawa at walang siyang mapupuntahan kaya tinanggap mo ang alok nito, ngunit pagkatapos mong manganak ay bigla nalang nangugulo ang ama ng pinagbubuntis mo at lage nitong pinapaalala sa iyo na siya ang ama ng batang kakasilang mo pa lang.
Kapag ganito ang mangyayari sa inyo, Sino ang pipiliin niyo? Ang amang nang-iiwan o iyong taong handa kang tanggapin kahit ano pa ang pinagdaanan mo?

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here