Toxic Relationship 101: Mamahalin Mo Pa Ba o Tama Na?

Sa bilyon bilyong tao sa mundo, may isang tao kang pinili para makasama at mahalin. Maraming iba diyan, pero siya lang ang nakapag-patibok ng puso mo. Pero hindi na yata tama ang nangyayari sa inyo. Napapadalas ang away… so tama pa ba? Read on.

Kung nakikita mo ang sarili mo sa isang relasyon na toxic na at hindi na healthy, pero hindi ka sigurado sa dapat mong gawin, basahin ito at tingnan ang mga signs na nasa isang toxic relationship ka at basahin mo na rin ang advice na katabi nito para magawan mo ito ng paraan agad agad!

1. All take, no more giving

Hindi na ninyo binibigyan ang isa’t isa ng compromise, space, time, respect, love at iba’t iba pang mga bagay na binibigay ninyo noon sa isa’t isa. Mas pinipili niyo na ang sarili ninyong happiness kesa sa happiness ng partner ninyo. Ang solusyon dito ay simple lang: tingnan mo muna ang sarili mo bago siya. Tingin mo ba siya lang ang hindi nagbibigay. Eh ikaw? Nagbibigay ka ba? O baka sarili mo na lang iniisip mo?

2. Drained na ang feeling mo, yung parang ubos ka na

Kung ganito ang nararamdaman mo, dapat ay maging mas creative kayo sa relasyon ninyo. Go out on a date and feel your emptiness with happy memories. From there, baka ma-sort out ninyo lahat ng mga problema ninyo sa relasyon niyo.

3. Wala nang tiwala

Have faith. Pray and you will get your answer from God. Kung paano ka nagtitiwala kay God, ganoon ka rin dapat nagtitiwala sa kanya. Dapat ay bigyan mo siya lagi ng chance na kaya niyang magbago kung nawala man ang trust mo sa kanya noon.

4. Wala nang pansinan

Communication pa rin ang importante. Huwag kang matakot makipag-usap at i-express ang nararamdaman mo. Pero make sure na hindi ka nang-aattack o bastos sa usapan ninyo. Make it healthy, and make it worth while. Dapat bumalik yung spark sa inyo, yung feeling free kayo sa pagsabi ng mga hinaing niyo at problema sa buhay. Be friends again.

5. Puro judgment, walang compromise

Listen to understand, not listen to answer back and judge. Kapag nag-uusap kayo, huwag mo siya bigyan ng pre-judgment. Trust him.

6. Wala nang respeto

Start within yourself. Show him na kaya niyo pa rin respetuhin ang isa’t isa kahit nagkasakitan na kayo ng paulit-ulit. Huwag ka matakot sa pagbabago, isipin mo yung kung paano kayo noon at kung gaano kayo kasaya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here