Maniniwala ka pa ba?

Kapag may nagsabi sa’yo ng itaga mo sa bato, maniniwala ka pa ba? Oh, para namang napakahirap sagutin ng katanungang ito dahil di naman lahat ng nangangako sa’yo ay nagagawang tuparin ang kanilang ipinangako. Mayroon diyan, hanggang pangako lang. Kapag nakuha na nila ang kanilang gusto, ipapako na nila ang pangako.

Kung mayroong mangungutang sa’yo at sasabihin na magbabayad siya sa ganitong petsa, maniniwala ka kung malapit siya sa’yo. Iyon nga lang, makakaramdam ka ng matinding disappointment kapag hindi niya nagawang tuparin ang ipinangako niya. Pakiramdam mo kasi ay naloko ka niya. Kaya, kapag humirit siya ulit sa’yo ng ‘pautang’ di ka na maniniwala sa kanya kahit pa nakapagbayad din naman siya noong nakaraan.

Ang pangako kasi ay napakaimportanteng salita na di mo dapat na bawiin kahit na anong mangyari. Kaya, siguradong sobra ka ring masasaktan kung dumating ang pagkakataon na babalewalain din ng isang taong mahalaga sa’yo ang kanyang pangako. Ito ang kalimitang nangyayari sa isang tao kapag tinalikuran siya ng kanyang minamahal.

Kaya, kung ayaw mong masaktan kapag di nagawang tuparin ang kanyang pangako, huwag ka rin mangangako ng di mo makakayang tuparin. Anuman kasi ang ginawa mo sa’yong kapwa ay babalik din sa’yo. Kaya, kung alam mo sa sarili mo na di ka rin marunong tumupad sa pangako, huwag mong asahan na may taong tutupad sa ipinangako niya sa’yo. Dahil di mangyayari iyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here