Hiwalay ang mga magulang

Masaya ba ang mga batang walang magulang?

Walang batang masaya kung wala silang magulang, siguro noong maliliit pa sila ay hindi nila nararamdaman ang pagiging walang magulang, ngunit sa kanilang paglaki at nakakita sila ng isang kumpletong pamilya, o di kaya’y sa paaralan. Ang mga kamag-aral niya ay may kumpletong pamilya at siya ay wala, makakaramdam ang bata ng matinding panibugho kung bakit siya ay mayroong hindi kumpletong pamilya at iyong iba ay mayroon.

Maitatanong niya iyon sa kanyang sarili kung bakit mayroon lang siyang Ina ngunit walang ama. Asan na ang kanyang ama? Bakit hindi sila magkasama? Dahil mayroon na siyang ideya kung ano talaga ang pamilya, mayroong tatay at nanay sapagkat siya ay may nanay lang.

Ang ganitong sitwasyon ay napakahirap din ipaliwanag sa bata kapag siya ay nagtatanong na tungkol aa kanyang ama. Dahil mayroong ina na nabuntis sa pagka dalaga at tinakbuhan ng lalaki, mayroon dingna-rape at nabuntis, mayroon namang mag-asawa talaga pero naghiwalay sila sa magkaibang dahilan. Napakahirap din para sa isang ina kung paano ipaliwanag sa kanyang anak kung ano ang nangyari sa pamilya nila kung bakit hindi sila kumpleto. Masyadong mahirap ipaliwanag sa isang bata ang tungkol sa seryosong problema na Ito.

Kaya kayong mga magulang o mag-asawa na magkakaroon pa ng anak, hanggat maari kung may problema kayong mag-asawa, ayusin niyo upang magkaintindihan kayo dahil ang mga bata ang nagiging kawawa sa problema ninyong mag-asawa. Huwag pairalin ang inyong pride at pakinggan ang isat-isa, hindi iyong isa lang ang dapat pakinggan, kung sino man iyong matapang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here