Gawing maganda ang kutis at maging bata tingnan

Ang pagkakaroon ng magandang kutis, magandang buhok at ngipin ay ang pondasyon upang ikaw ay maging maganda tingnan.

Maraming kababaihan ngayon ang hindi masasabi kung ilang taon na sila dahil sa tamang pag-aalaga sa kanilang sarili at pag-aayos.

Kapag may magandang buhok at magandang kutis ang isang babae ay hindi mo talaga masasabi kung ilang taon na Ito. Gusto niyo bang maging ganoon kayo?

Andito ang ilang tips upang maging maganda tayo. Ipaayos natin ang ating buhok o di kaya’y palagyan ng kulay.

Maglagay naman ng moisturizer sa inyong mukha kahit oily pa Ito. Subukan din ang mga produktong hindi lang may collagen at elastin, ngunit nagpapabata din tingnan ng inyong mukha, katulad ng silicone at hydrounic acid. Mag-apply din ng sunscreen upang maiwasan ang wrinkles.

Subukan din itong home made face mask na Ito.

Ihalo Ang 1/2 cup na mainit pero hindi kumukulong tubig at 1/3 cup oat meal. Pagkatapos ihalo ang mainit na tubig at oatmeal ng dalawa hanggang tatlong minuto, ihalo din ang 2 kutsarang plain yogurt, 2 kutsarang honey at isang maliit na egg white. I apply sa mukha ang manipis na layer ng mask at hayaang matuyo ng 10 hanggang 15 minutes pagkatapos ay hugasan ng maligamgam na tubig.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here