Allowance ng mga Batang Nag-aaral

Ano sa palagay niyo, dapat bang bigyan ng mas malaking halaga ng allowance ang mga anak nating nag-aaral?

Ito ang tama, kung bibigyan natin ng mas malaking halaga ng allowance ang mga anak natin, ay may posibilidad na hindi mag-aaral ng mabuti ang mga bata. Mas prone Ito sa pagiging hindi matinong bata o matutong magsinungaling sa atin, at higit sa lahat mag cutting classes pa. Kung inaakala natin na nag-aaral ng mabuti ang mga anak natin kapag binibigyan natin sila ng mas malaking allowance, nagkakamali kayo. Kung dati ay hindi pa uso ang technological innovation, ngayon ay masyado ng hi-tech. May internet at computers.

Kapag malaki ang allowance ng ating mga anak ay hihikayatin ito ng mga kamag-aral nito na maglaro sa computer. May posibilidad na magiging addict sa computer ang anak natin, upang maiwasan Itong mangyari sa anak natin na ganito, dapat ipamulat natin sa kanila kung paano magtipid ng pera at dapat gastusin ng tama ang pera dahil hindi ito pinupulot sa kung saan lang.

Ipamulat natin sa kanila na pinaghirapan ang pera upang magkaroon tayo nito, upang may magamit sa pagbili ng pagkain at sa mga basic needs natin.

Sa ganitong paraan ay matututo silang magtipid para sa kanilang sarili at para sa hinaharap , pero huwag natin silang hayaang maging sakim sa pera. Pwede natin silang turuang maging matulungin sa kapwa, lalo na sa mga kamag-aral nito na kulang sa pera at iyong iba ay walang baon, iyon ay pwede nilang gawin upang maging mabuting tao sa hinaharap ang mga anak natin.

Turuan natin silang maging matulungin sa kapwa upang maging mabuting silang bata o tao sa hinaharap.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here