Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 11, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 11, 2020,  Sabado – Kabilang ka sa mga kakaunting nilalang na paulit-ulit na makakaranas ng masasarap na buhay. Kaya hindi nakapagtatakang ang maliit at malalaking suwerte ay paulit-ulit na dating ng dating din sa ‘yo. Kaya naman dapat lagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4, 10, 28, 34, 38, 43.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ang suwerte mo sa araw na ito ay matutulad sa tunay na pag-ibig. Bigla-bigla itong darating ng hindi mo inaasahan. Sobrang sasaya ka, malilimutan mo ang lahat ng iyong problema at sa pagpasok ng magandang kapalaran sa iyong puso mararamdaman mo ang sobrang sarap at napaka-ligayang karanasan. Mapalad ang kulay na emerald. Masuwerte ang numerong 7, 10, 13, 22, 34, 44.  

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Sa panahong ito ng iyong buhay wala kang dapat gawin sa ngayon kundi ang pakinggan mo ang mga suhestiyon ng ilang malalapit sa iyo. Ang payo nila ay makatutulong sa iyo upang lalo pang umangat ang iyong kabuhayan hanggang sa tuloy-tuloy ka ng umasenso. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 10, 24,  34,  40, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Sa araw na ito, hindi ang katamaran at pamamahinga ang magpapaligaya sa iyo, kundi ang pagkilos. Kilos lang ng kilos, sapagkat nakikita ng langit kung paano ka nagsisikap. Kaya ilalawit sa iyo ang kamay ng grasya at mga biyaya, kasabay nito, magsisimula ka ng umunlad ng umunlad hanggang sa yumaman. Mapalad ang kulay na magenta. Masywerte ang numerong 4, 19, 28, 34, 41 at 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Lihim kang matutuwa dahil ngayong taong ito ng 2020 ang isang tao na noon mo pa pinagdarasal na magbago ay magbabago na. Tuloy-tuloy ng hihipuin ng langit ang kanyang puso, upang tuluyan na rin siyang bumuti  at tumino. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 31, 38.  

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kahit ikaw ay magugulat sa sarili mo. Hahanapin mo ang masayahing ikaw pero hindi mo na siya matatagpuan. Hindi na ikaw ang dating masaya dahil kinukubabawan ka ng problema. Ngunit ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Hahawiin ng langit ang iyong mga suliranin, upang pagpasok ng buwan ng Pebrero muli na namang bumalik dating sigla at saya ng iyong buhay. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 13, 25, 29, 38, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Malulutas ang mga suliranin sa pagtutulungan. Pero nagugulo ang sitwasyon kapag marami ang nakikisawsaw. Maging lider ka ng inyong grupo ng sa ganon ay maayos ang takbo ng proyekto. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 6, 18,  23, 39, 42, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Nasa mataas na level ang iyong likas na gayuma. At upang mapatunayan mo, ikaw ay hinahamon ng makipagkita sa iyong kursunada. Isa lang ang magiging resulta, mai-in-love siya sa iyo. Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 15, 19, 29, 37, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Muling matatala sa aklat ng iyong kapalaran na masuwerte ka sa araw na ito. Sobrang kang sasaya, kaya makakalimutan mo na ang iyong pangako sa sarili na mag-iipon ka para sa hinaharap. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 8, 11, 21, 36, 41, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Kung magagawa mo, mamasyal ka sa lugar na kung saan, iyong naraanasang sumaya at pagkatapos ay mamili at mag-shopping ka, upang ang iyong mga problema ay agad mong magapi at matalo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 9, 18, 24, 34, 42, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ikaw ang kanlungan ng mga nananamlay. Ikaw din ang sandalan ng mga bigo sa buhay. Sa iyo rin lumalapit ang mga  sawi sa pag-ibig.  Yakapin mo sila pero wag iibigin. Kapag hindi ka nakinig, tulad nila ikaw din ay mangungulila.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 14, 29, 37, 41, 45

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi ka nakahanda sa biglang pagbabago ng iyong kapalaran. Ganon paman, sa taong ito ng 2020 handa ka man o hindi, babaguhi pa rin ng langit ang iyong kapalaran. Tatanggap ka ng maraming suwerte at magandang kapalaran,  kaya ang panahong ito sa iyong buhay ay tatawaging:  “Pagbabagong buhay patungo sa suwerte at sa lalo pang pagganda ng kapalaran!” Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 4, 10, 28, 33, 39, 40. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Biglaang pagbabago ng takbo ng buhay ang ibinabalita ng araw na ito. ‘Wag kang mag-alala, sa halip, magsaya ka at magalak, dahil ang pagbabago ay para sa ikagaganda ng iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 5, 12, 26, 32, 41, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here