Mga Pagkaing Mas Tatagal Kung Wala Sa Ref

Automatic na kapag meron tayong pagkain na natira ay sa ref natin inilalagay. Gayundin ang mga pagkain na gusto nating magtagal ang buhay o hindi agad masira. Pero hindi lahat ng pagkain ay pwede nating iimbak sa ref. May mga pagkain na mas magtatagal ang buhay kung hindi natin ito ilalagay sa ref.

Ito ay ang mga sumusunod.

1.Tinapay- Mas masisira at titigas lamang ang tinapay kapag ito ay inilagay mo sa ref. Unless may plano kang gawin itong toasted bread sa ibang araw.

2.Patatas- Ang patatas ay hindi rin pang ref. Ito ay nangangailangan lamang ng katamatamang temperatura, hindi masyadong mainit at hindi rin masyadong malamig. Magiging sugar lamang ang starch na napapaloob dito kung ito ay iiimbak mo sa loob ng ref.

3.Bawang- Kapag inilagay mo ang bawang sa loob ng ref, tataas ang acidity at molds nito na maaaring makaapekto sa iyong kalusugan. Ito ay hindi dapat inilalagay sa saradong lugar o lalagyan.

4.Sibuyas- Kung hindi pwede ang bawang sa ref, ganoon din ang sibuyas. Hindi ito nagtatagal sa lugar na mahalumigmig.

5.Pulot- Ang pulot o honey ay isang pagkain na sadyang pangmatagalan. Kaya hindi mo na ito kailangang ilagay sa ref. Kung gagawin mo ito, maninigas lamang ito at maaaring hindi mo na makain.

6.Sili- Ang sili ay mas tumatagal din ang buhay at nape-preserba kung ito ay nasa open o maaliwalas na lugar.

7.Pakwan- Kung gusto mo na mapanatili ang lasa at texture ng iyong pakwan, mas mainam na ilagay na lamang ito sa maalwan na lugar.

8.Ketchup- Sadyang matagal ang buhay ng ketchup dahil sa mga sangkap na nakapaloob dito kaya hindi mo na kailangan ilagay sa iyong ref.

9.Halamang gamot- Ang mga halamang gamot ay hindi dapat nilalagay sa loob ng ref dahil mapapabilis lang ang pagkalanta at pagkatuyo nito.

10.keso- Ang matitigas na keso ay hindi na dapat sa ref dahil lalo lamang itong titigas. Ito ay sumailalim na sa 6 na buwang proseso ng pagpreserba kaya magtatagal ito nang wala sa ref.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here