Hanggang kailan ka magiging Alilang Kanin?

Kung mayroon kang mga magulang, masasabi kong napakasuwerte mo. Ibig kasing sabihin nito, di mo kakailanganin na magpakapagod sa kakatrabaho sa murang edad para lang kumita ng salapi, maliban na lamang siguro kung ang mga magulang niya ay tamad at pinababayaan lang ang kanyang mga anak. Sa tingin ko naman ay bihirang-bihira lang mangyari iyon at ang gusto ko talagang tukuyin sa artikulong ito ay iyong mga tinatawag na Alilang Kanin,

Ang alilang kanin ay iyong mga batang nakatira sa kanilang mga kamag-anak. Panay ang pagtatrabaho bilang pagtanaw ng utang na loob dahil pinatitira sila ng libre sa bahay at pinakakain kaya lahat ng mabibigat na trabaho ay ipinapasa sa kanya. Ang masama nga lang, hindi siya sinasahuran dahil para sa kanyang mga kamag-anak, ang  pagtira niya sa bahay na iyon at pagpapakain sa kanya ay sapat na kabayaran para magtrabaho siya ng husto.

KUng wala ka naman talagang pupuntahan ay wala kang magagawa kundi sundin na lang ang ipinag-uutos sa’yo ng mga kamag-anak mo na nagti-take advantage sa’yong sitwasyon. Kung wala ka na kasing magulang, wala kang ibang mapupuntahan. Masuwerte ka lang na matatawag kung ikaw ay napag-aaral ng mga kamag-anak mo. Ibig sabihin, may pagkakataon ka pang makakawala sa sitwasyong iyong kinasusuungan.

Ngunit kung ikaw ay kinakailangang magtrabaho ng husto para mabuhay, kailangan mong gawin. Nakakalungkot lamang na may mga kamag-anak na di man lang itinatratong kapamilya ang kanilang mga kamag-anak na nangangailangan ng tulong. Para kasi sa kanila, sapat ng tulong iyon sila ang bumubuhay at kumukupkop sa kanilang mga kamag-anak.

Kung nasa ganito kang sitwasyon, ang tanging hiling ko lang ay makaya mo iyong sitwasyon. Ipagpasalamat mo na lang din na may kumukupkop sa’yo pero sana naman ay hindi ka maging habambuhay na ganyan. Maigi rin sana kung nakapag-aaral ka. Kung ganoon kasi ang sitwasyon mo, malaki din ang tsansa na mababago mo nga ang iyong kapalaran pagdating ng araw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here