Ang dapat sisihin sa mga pag-uugali ng mga bata

Lahat tayo ay hindi lumaki agad ng ganito, kung walang mga magulang na nag-guide sa atin, at lahat tayo ay nakaranas sa buhay ng mga bata ngayon. Kung ano tayo ngayon o kung ano pag-uugali mayroon tayo ngayon ay dahil sa nakikita at natutunan natin noong mga bata pa tayo. Sapagkat ang mga bata mula 1year old pataas ay nasa stage of learning pa sila. Kung halimbawa’y nakakita sila ng hindi magandang tanawin para sa mga bata o di kaya’y pag-uugali na hindi maganda, Ito Ang susundin nila dahil nagsimula pa silang matuto tungkol sa mga bagay-bagay dito sa mundong ginagalawan natin.

Kung ano man Ang natutunan natin noon sa mga magulang natin o di kaya’y sa mga nakakatanda sa atin, nasa tamang edad na tayo ngayon kaya alam na natin ang tama at mali. Kung may mga anak na tayo o magkakaroon pa lang, alam na natin kung anong gagawin sa mga anak natin, alam na natin kung anong dapat ituro sa ating mga anak. Kung may karanasan tayong hindi maganda noong mga bata pa tayo, iwasan nating mangyari Ito sa ating mga anak dahil kung ang gagawin natin ay iyong nararanasan natin sa mga magulang natin, at kung ano ang nararamdaman ng ating mga anak.

Kung mahal natin ang ating mga anak huwag nating gayahin kung ano ang ginagawa ng mga magulang natin noon. Dahil sa bandang huli , tayo din ang magsisisi at masisisi kung bakit nagkaganoon ang mga anak natin paglaki nila.

Kumbaga, kung ano iyong itatanim natin ay iyon din ang aanihin natin. Walang mga anak na naghahanap ng mga magulang, tayong mga magulang ang naghahanap ng anak kaya dapat nating ayusin ang pagpapalaki sa kanila, dahil kung ano sila paglaki nila tayong mga magulang ang sisisihin nino man.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here