Ang aral na natutunan ng lumaking may gintong kutsara sa bibig

Lumaki akong may masaganang pamumuhay. Hindi ko na kailanman pinrublema kung ano ba ang kakainin ko, maliban na lang kung hindi ko type ang ulam. Naku, kapag ganoon, nagha-hunger strike ako hanggang sa ibigay ng magulang ko kung anong pagkain ang gusto ko.

Akala ko noon, habambuhay ay magiging masarap ang lagi kong kakainin pero na-realize kong hindi pala, lalo na noong umalis ang mga magulang ko at nangibang bansa. Kinailangan kong kumayod ng husto para may makain. Kung kinakapos sa pambili ng bigas at ulam, kinakailangan ko pang mangutang para maibsan ang kalam ng aking sikmura. May anak pa ako kaya naman kinailangan ko ring ibaba ang pride ko para masuportahan ang aming mga pangangailangan.

Kaya naman para hindi na maulit iyong magugutom ako, kailangan ko talagang magtrabaho ng husto para masuportahan ang aking mga pangangailangan. At masasabi kong mapalad pa rin ako dahil napaghandaan ng mga magulang ko ang aking kinabukasan. Nag-iwan sila ng sapat para kahit na wala akong trabaho ay masuportahan ko ang pangangailangan ko. Ang bahay na ipinamana nila sa akin ay napagkakakitaan ko dahil nagpaupa ako.

Ang natutunan ko sa buhay kong ito, hindi tayo dapat na makampante dahil may maganda tayong buhay ngayon. Anumang oras kasi ay maaaring mabago ‘yan kaya kailangan ay mag-aral na mabuti para makakita ng magandang trabaho pagdating ng araw. KUng mayroon ka namang talento, dapat ay pagyamanin mo dahil magagamit mo ‘yan para ikaw ay kumita.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here