4 Dahilan Bakit Bumibigat ang Timbang ng Masayang Mag-Asawa

Habang tumatagal ang pagsasama ng mga mag-asawa, mas nagiging mas masaya at komportable sa bawat isa. Mas ginaganahan kasi sa sila sa buhay, mula sa pag-tatrabaho, sa mga aktibidad sa buhay, at sa pag-kain. Read on.

Sabi nga sa isang pag-aaral sa National Center for Biotechnology Information sa Amerika, talagang bumibigat ang timbang ng mag-asawang masaya. Wala kasing pressure sa pagpapapayat dahil hindi na kailangangang makakuha ng atensyon mula sa iba. Relaks lang ang buhay, kaya kain lang ng kain. Basahin ang article na ito alamin ano pa ang rason bakit bumibigat ang mga mag-asawang masaya.

1. Ang pag-kain ang nagiging bonding moment ng mag-asawa

Aminin mo, mas masaya ang date ninyong mag-asawa kapag nakakakain kayo ng bago at masarap na klase ng pagkain. Part na rin ng excitement sa relationship ninyo ay ang pag-explore ng mga bagong restaurant sa iba’t ibang lugar.

2. Dahil na rin sa pagbubuntis ni misis

Naku, iba-ibang ang cravings kapag buntis si misis. Pati na rin si mister, malamang ay parang naglilihi na rin.

3. “The way to a man’s heart is through his stomach”

Malamang kung nag-sisimula pa lamang ang marriage ninyo, mas experimental si misis sa kusina dahil gusto niyang iparamdam kay mister na ready na siya maging misis para sa kanya. Nakaka-kilig rin sa parte ni mister na nag-eeffort si misis sa kanya. Mas nakaka-inlove ito para sa kanya.

4. Hindi na conscious sa itsura dahil kontento na sa buhay

Sa panahon na kasal na kayo at medyo matagal na ang relasyon ninyo, malamang ay dadaan kayo sa phase na wala na kayong pakielam sa itsura ninyo dahil sobrang kontento na kayo sa partner ninyo. Hindi ninyo na kelangan magpa-impress sa ibang tao dahil ang importante sa inyo ay ang partner ninyo.

Ngunit tama ba ito? Dapat na bang mag-diet?

Pero at the end of the day, importante pa rin ang kalusugan ninyong dalawa. Masaya kapag nahanap mo na ang true love mo, at kapag nagagawa ninyo ang mga bagay na hindi ninyo nagagawa noon katulad nang pag-kain ng maraming bagay, ngunit maganda rin isa-alang alang ang inyong timbang. Pwede rin naman kayo mag-bonding sa pamamagitan ng pag-exercise magkasama. Dapat mag-ingat din dahil kapag lumabis ang timbang ninyo, maaari kayong magkaroon ng mga sakit na wala noon, katulad ng diabetes at sakit sa puso.

Kahit anong mangyari, unahin ang kalusugan sa pamamagitan ng pag-kain ng healthy diet.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here