Alam ba ninyo na ang malunggay ay isang gamot?

Alam nating lahat kung ano ang malunggay diba? Iyong nilalagay natin sa tinulang manok o di kaya’y ihalo sa ibang gulay. Ang alam natin ay kinakain lamang ito at marami ngang kumakain sa nasabing gulay dahil nga gamot din ito sa ibat-ibang sakit, katulad ng diabetis, high blood, at iba pa. Ang hindi natin alam ay nakapagpagana ito sa pagdurugo ng ating mga sugat, dikdikin lamang ito at pagkatapos ay pigain o di kaya’y ilagay sa sugat kahit hindi it pigain pagkatapos madikdik. Ang malunggay ay pampatanggal din ng sakit na nararamdaman ng ating mga sugat, kung may mga sugat kayo na namumula na sa gilid, kapag nilagyan mo ito ng malunggay, ito’y unti-unting nawawala at nawawala din ang sakit na nararamdaman mula sa ating mga sugat. Kumbaga’y para siyang pain reliever sa ating mga sugat.

Pero siguro iyong mga mayayaman ay hindi naniniwala tungkol sa mga ganitong klaseng paggamot, dahil may sarili silang mga doctor. Subalit tayong mga mahihirap na walang pambili ng gamot, dahil sakto lang ang budget natin para sa pagkain natin kaya hanggang malunggay lang ang kaya nating paggamot sa sugat natin. Reminder:hugasan muna ang nasabing malunggay bago dikdikin at ilagay sa inyong sugat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here