Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 9, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 9, 2020,  Huwebes – Sa taong ito ng 2020 lalapitan ka ng hire-hirerang  magkakasunod na mga suwerte. Kaya lang kapag natagpuan kang  hindi masaya, aalis sila at maghahanap ng taong masayahin. Kaya dapat alam mo na ang gagawin mo? Sa panahong ito ng Bagong Taon,  kailangang lagi kang maging masaya! Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 4, 10, 19, 28, 30, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Itodo mo na ang iyong lakas. Kailangang madoble ang kinikita ngayong 2020. Napapansin naman ng langit ang iyong mga pagsisikap. Kaya bago dumating ang saktong araw ng iyong kaarawan maraming suwerte at mga biyaya ang sunod-sunod mong matatanggap. Mapalad ang kulay na black.  Masuwerteng numero 4, 13, 19, 31, 40, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Sa taongito ng 2020 wag mong pagdamutan ang sarili mo. Mas maganda na nag-iisa ka. Bumili ka ng bagong damit, mga pampaganda at kumain ka ng kumain ng masasarap.  Sa ginagawa mong iyan, matutuwa sa iyo ang langit, mas marami pang mga biyaya at mga pagpapala ang bubuhos sa iyong buhay.  Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5,  14, 18, 28, 37, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Dahan dahang napupuno ang ilog sa pagbuhos ng ulan. Ganyan din ang iyong buhay.  Suwabeng-suwabe at dahan-dahang darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Hindi ka dapat  mag-apura. Dahil nakaayos na ang lahat, makikita mo sa susunod na mga araw, dahan-dahan ka ring liligaya. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero ang 3, 9, 12, 16, 25, 42. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw na hindi ka dapat malungkot at ito rin ang araw upang humalakhak. Tawanan mo ang iyong mga kabiguan at babalik siya sa kanyang pinanggalingang sukat. Hindi ka na maaapektuhan, puro tagumpay na at magagandang kapalaran ang sa iyo ay darating. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 13, 18, 27, 31, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Masusuot ka sa intriga. Pero ikaw ang magwawagi. Dahil ang makakalaban mo ay talaga namang may masasamang ugali at inaayawan ng mga tao. Iba talaga ang tulad mo, na likas na mabait, laging sinusuwerte at patuloy na pinapapala ng langit. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 18, 27, 33, 42, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kapag  kumukulo ang tubig, umuusok. Ganon din ang darating sa iyong suwerte at magandang kapalaran, mainit at umuusok-usok pa. Ipamahagi mo ito sa iba, lalo na sa mga taong malalapit sa iyo. Wag kang matakot na maubos, dahil mas marami pa ang paparating. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  6, 19,  24, 33, 39, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Ngayon ang araw upang layasan mo ang kaiisip sa nakaraan. Ituon ang isip sa future. Gawin mo na ngayon ang mga bagay na noon mo pa balak na gawin pero hindi mo mapasimulan. Sa lahat ng nasabing mg proyekto sa taong ito ng 2020 tutulungan ka ng langit upang suwabeng-suwabe mong matapos at mapagtagumpayan.  Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 5, 11, 23, 34, 35, 40.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Sa taong ito ng 2020 ang mga suwerte mo ay agad na magdaratingan kapag pinanatili mo ang mabilis na pagpapatawad sa mga taong nakagagawa sa iyo ng pagkakamali at kasalanan. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 13, 19, 28, 36, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Wag mong ipilit ang sarili mo sa nagpapakita sa iyo ng hindi maganda. Maraming naghihintay sa iyo at maraming nagmamahal sa iyo. Sa kanila ka sumama at masusumpungan mo ang suwerte at ang tunay na ligaya. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 5, 17, 23, 28, 34, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Tapusin mo muna ang nasimulan mo. Hindi ka puwedeng magpalipat-lipat ng hindi pa tapos na tapos ang mga naunawa mong ginagawa. Kapag nagawa mo yan, tinatapos mo muna ang isang gawain bago magsimula ng bago, tuloy-tuloy pang darating ang mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet Masuwerteng numero 3, 9, 21, 29, 39, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kung mapapansin mong noong mga nakaraang taon ay tila walang pag-galaw ang orasan ng iyong pag-unlad wag kang mabahala. Kumukuha lamang siya ng buwelo upang bigyan ka ng mas malaki at dambuhalang suwerte na magaganap na ngayong 2020. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  3, 16, 27, 34, 43, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa taong ito ng 2020 maghahanap ka ng panibagong pakikipagsapalaran dahil ang kailangan mo ngayon ay bagong kapaligirang malapit sa nature. Kapag nandoon ka na dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang lulukob sa iyong pagkatao.   Mapalad na kulay ang  maroon. Masuwerteng numero 3, 18, 27, 34, 37, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here