HE LOVES ME, HE LOVES ME NOT: 12 Guaranteed Signs na Hindi ka Niya Gusto

Kapag na-inlove ka na sa isang tao, tuluy tuloy na ito. Hindi mo mapipigilan ito lalo kung talagang nabigyan ka niya ng mga emosyon na hindi mo naramdaman noon. Minsan, gusto mo na umamin sa kanya, pero wait… di mo alam feelings niya para sayo. So paano na?

Basahin ang article na ito para makita mo ang signs na hindi ka gusto ng lalaking natututunan mo nang mahalin. Kung tingin mo ay tumutugma ito sa sitwasyon mo, don’t feel bad dahil marami pang iba dyan at tandaan mo na hindi lalaki ang kukumpleto sayo.

1. He keeps his distance. Sinisigurado niyang hindi kayo nagkakalapit ng sobra.

Laging may distansya sa pagitan ninyong dalawa. Makikita mo sa non-verbal gestures niya na hindi niya gustong maging malapit kayo sa isa’t isa.

2. Hindi siya touchy sayo.

Minsan, ang lalaking interesado sayo ay may mga non-verbal gestures katulad ng pag-yakap or pag-akbay. Kung napapansin mo na hindi siya ganun sayo, malamang ay hindi siya interesado sayo.

3. Hindi niya gusto ang mga gusto mo.

Kahit papaano, ang dalawang tao ay nama-magnet sa isa’t isa kapag parehas ang interests nila. Kung nakikita mong hindi niya talaga gusto ang interests mo, ibig sabihin ay wala rin effort sa part niya na magustuhan ang gusto mo.

4. Hindi tumatagal ang eye contact niya sa yo.

Alam mo kapag gusto ka ng isang tao. Iba makatingin at talagang titingnan ka sa mata kapag nakikipag-usap. Kung malayo siya dito, baka nga hindi ka niya talaga gusto.

5. Hindi siya natatawa sa jokes mo.

Ang lalaking interesado sayo ay natatawa sa mga jokes mo at talagang interesado makipagbiruan sayo.

6. Nagtatanong siya sayo ng advice tungkol sa relationships.

Ikaw ang takbuhan niya kapag may hindi siya naiintindihan sa love. Ibig sabihin ay kaibigan ang tingin niya sayo.

7. Hindi ka niya nilalandi in any way.

Hindi siya gumagawa ng moves para bigyan kang signals na gusto ka niya. Dapat dyan palang ay makakuhaka na ng sign.

8. Ikaw ang laging nagsisimula ng conversation ninyo.

Ikaw lagi gumagawa ng way para makapag-usap kayo. Mapapansin mo rin sa kanya na lagi niya ine-end agad ang usapan ninyo.

9. Hindi niya napapansin kapag naka-make up ka or naka suot ng magandang damit.

He doesn’t show you he’s interested in you. Usually ang lalaking may gusto sayo ay nagbibigay ng compliment sa kagandahan mo.

10. Hindi ka niya kinakausap unless related sa trabaho.

Professional siya makipag-usap sayo at hindi siya masyadong nakikipag-small talk sayo.

11. Hindi siya nag-eeffort para ma-impress ka.

Makikita mo kapag gusto ka nang lalake sa paraan nang pagpapa-pansin niya sayo.

12. Makikita mo mismo sa body language niya na hindi siya interesado sayo.

Mararamdaman mo talaga kapag gusto ka ng isang tao. Hindi ka na mapapaisip dahil ramdam mo agad kung gusto ka talaga niya.

Join us on Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here