Ang nangyayari sa taong galit sa pera

Ang mga taong tinaguriang galit sa pera ay iyong mga gastador. Kapag kasi nakahawak na sila ng salapi, malaki man o maliit, di na sila mapapakali. Bibilhin na nila ang mga bagay na kanilang maibigan. Sa huli tuloy, nauubusan na sila ng pera. At ang masama, ang mga kailangan nila ay di nila nagagawang suportahan dahil mas inuna nilang bilhin ang mga bagay na gusto nila.

Kung di sila makakabili ng makakain nila, kakalam ang kanilang sikmura, magkakasakit sila. Kung di nila mababayaran ang kanilang kuryente, mapuputulan sila ng ilaw. Mamumuhay sila sa kadiliman. At kahit na ang iyong anak ay nag aaral sa public school kung di mo naman maibigay ang pangangailangan niya tulad ng pagbibigay ng baon, pagbili ng mga kailangan sa eskuwelan, mahihinto rin sa pag aaral ang iyong anak.

Magtipid, ‘yan ang pinakamabisang paraan para di dumating ang araw na maghihirap ka. Huwag mo hayaang malubog ka sa pagkakautang dahil mas maghihirap ka lang. Kaya, kung galit ka sa pera, kailangan mo na siyang batiin. Ibig kong sabihin, huwag ka na maging gastador.

Kailangan mo rin tandaan na ang pagkakaroon ng salapi ay matatawag na suwerte. Kaya kung magagalit ka sa suwerte na nakukuha mo, di ka na lalapitan ng suwerte. Sa susunod na araw ay mawawalan ka na rin ng suwerte. Magiging mailap na sayo ang pera. Kahit magtrabaho ka pa ng husto ay mawawalan ka lagi ng salapi.

O, gugustuhin mo pa ring mangyari iyon?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here