Tips Para Mahuli Ang Loob Ng Taong Gusto Mo

Kung minsan ay may magugustuhan kang tao na mailap. Pwedeng isang karaniwang kakilala o kaibigan   na gusto mong maging jowa. Pero isang malaking hadlang para sa’yo ang kanyang pagiging mailap. Suplado o kaya ay suplada. Yung tipong wala siyang pakialam sa lahat lalo na sa’yo. Ang sakit diba? Kahit na gustong gusto mo siya ay wala ka namang magawa kundi tanawin siya sa malayo o kaya ay iistalk siya sa facebook at instagram niya. Mapapabuntong hininga ka na lang talaga at mapapa-wish sa wishing star. But wait, may tips ako para sa’yo para naman hindi ka masyadong malungkot at mahuli mo ang loob ng taong gustong gusto mo.

1.Alamin mo ang kanyang mga gusto. Hindi na ito tulad sa mga nababasa mo noon sa slumbook. Mas seryoso at malalim na ang kahulugan nito sa kanya. Halimbawa ay mahilig siya sa sport. Hindi naman kailangan na maging mahilig ka rin sa kung anumang sport na kinahihiligan niya. At least lang ay meron kang alam tungkol dito para just in case na makakuwentuhan mo siya ay alam mo na ang i-oopen mong topic sa kanya. Mas gaganahan siyang makipagkuwentuhan sa’yo kung nakakarelate ka sa kanya.

2.Huwag kang masyadong magpapansin sa paraan na non sense. Kung gusto mo na makuha ang loob niya, magpapansin ka na may kabuluhan. Ang ibig kong sabihin ay gumawa ka ng mga bagay na makapagpapataas sa iyong moral bilang tao. Hindi mo kailangang magpanggap kundi magpakatotoo ka lang.

3.Hangga’t maaari ay iwasan mo ang mga bagay na ayaw niya. Halimbawa ay nalaman mong hindi niya gusto ang umiinom at iba pang bisyo. Kung talagang gusto mo na mahuli ang kanyang kalooban ay dapat mo itong gawin. Dahil kung makikita niya sa’yo ang mga bagay na ayaw niya, natural lang na hindi siya magkaroon ng interes sa’yo. The more na maging malinis ang image mo sa kanya bilang yung totoong ikaw ay the more na mapapalapit ang loob niya sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here