Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 8, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 8, 2020,  Miyerkoles – Ngayon ang araw na itatalang isa sa pinakamaganda dahil magpapasya na ang nasa itaas. Ang napagpasyahan, ibibigay na sa iyo ang lahat ng maluluho at matataas mong mga pangarap. Kaya ihanda ang iyong sarili, lalo na ang iyong kalusugan at wag masyadong maging excited.  Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  5, 18, 23, 28, 35, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa taong ito ng 2020 sadyang nakatutuwa ang kapalaran mo kung saan kahit hindi mo galingan ayos lang, dahil ginalingan na ng langit ang lahat ng araw sa buong taong 2020 para sa iyo. Kaya magagaling na mga pangyayari rin at malalaking suwerte ang darating sa iyo. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero 5, 10, 22, 37, 41, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ito ang panahon na dapat mo ng harapin ang bagong kabanata ng iyong buhay. Hindi ka isinilang upang malungkot, upang maghirap at upang utusan. Ito ang araw ng ligaya, ito ang araw ng pag-unlad at malapit na malapit na ring dumating ang araw na ikaw na ang mag-uutos at ikaw ay tiyak na susundin. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 9, 7, 11, 25, 36, 41.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Sa taong ito ng 2020, maniwala ka lang sa sarili mo at makikiita mo ang buong taong ito ay magiging sa yo. Oo anuman ang gustuhin mo, tiyak na mapapa sa iyo at magkakatotoo. At basta’t patuloy ka lang na maniwala sa sarili mo, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 2, 12, 18, 32, 40, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Inaakala ng mga lihim mong kalaban na susuko ka na sa hamon ng buhay na iyong pinagdadaanan. Hindi nila alam na ngayon ka pa lang nagsisimulang lumakas at tumapang. Kapag tuluyan ng humulagpos ang iyong tapang at lakas ng loob, aangat ng paitaas ang gulong ng kapalaran. Mamamangha ang mga taong dati ng naiinggit sa iyo, ang taas-taas mo na habang sila ay lalo pang ibinababa ng kapalaran. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 8, 10, 13, 28, 34, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Isa ka sa likas na susuwertehin sa taong ito ng 2020, ito rin ang dahilan kung bakit malakas ang suwerte at gayuma mo. Mag-alok ka ng mag-alok at hindi ka magagawang tanggihan ng sinumang lalapitan mo. Kung sakaling tanggihan ka nila, mamalasin sila at ikaw naman ay patuloy na susuwertehin sa buong taong ito ng 2019. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 2, 18, 25, 35, 43, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi pa rin nagbabago ang iyong kapalaran kahit na nagbago na ang taon. Nasa todong lakas pa rin ang iyong suwerte. Magpapatuloy ito sa buong taon 2020, kaya samantalahin mo ang anumang magagandang pagkakataong darating. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 8, 19, 22, 32, 40, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Sa taong ito ng 2020 sa ayaw at sa gusto mo, dadalhin ka ng iyong kapalaran sa malayong lupain – makapag-aabroad ka. Kailangang mangyari sa ‘yo ang itinakdang kapalaran ito upang patuloy kang lumigaya at upang lalo pang bumilis  ang iyong pag-asenso. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  7, 10, 25, 31, 34, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Matagal na nagtiis at naghirap ang iba pero hindi makamit ang kanilang inaasam. Hindi sila pinapaboran ng langit. Pero kakaiba ang taong ito ng 2019 para sa iyo, kung saan, sa anumang pangyayari sa iyong buhay, lagi kang papaboran ng magandang kapalaran. Kaya naman silang lihim na naiingit sa yo ay mangha-mangha sa mga mangyayari.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 7, 15, 25, 27, 33, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Namamangha at humahanga sa iyo ang nasa itaas, dahil ikaw na gipit ay nagagawa mo pang tumulong sa nangangailangan. Dahil dito, sa taong ito ng 2020 gagantimpalaan ka ng langit ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran at ito ay paparating na sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 8, 14, 25, 35, 41, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ilabas mo ang lahat ng iyong lakas at pagsisikap sa taong ito ng 2020. Nagpasya na ang langit, kung saan bawat pagsisikap na gagawin mo sa taong ito, dobleng tagumpay at bulto-bultong suwerte ang ipagkakaloob sa iyo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero ang 4, 15, 26, 29, 38, 45.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa taong ito ng 2020 palinaw na ng palinaw ang bolang kristal at lalo pang lumilinaw. Yong mga dating lungkot at kabiguan ay isa-isa ng lumilisan. Lumilisan ang mga negatibong puwersa, pumapalit naman ang mga positibong pangyayari na may kaugnayan sa pag-ibig at salapi. Ibig sabihin, susuwertehin ka na habang palapit na ng palapit ang Chinese New Year. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  1, 18,  24, 27,  37, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Dahil Bagong Taon ngayon, ito ang araw na papalitan ng langit ang lahat ng luma. Kaya nga, unti-unti ng nagbabago ang lahat sa iyong kapalaran. Bago at paganda ng paganda ang susunod na sikat ng araw sa umaga, kaya ang panahong ito sa iyong buhay ay tatawaging, “pagbabago at pagpapaganda!” Kaya magpaganda ka na rin  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  7, 16, 27, 34, 40, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here