Mga dapat gawin upang maiwasan ng mga kabataan ang social media

Sa panahon ngayon, ay high- tech na, puro internet na ang gamit ng mga tao at nagiging addict sa mga social media. Ang pagiging addicts ng mga bata at teenagers sa social media ay Isa sa maging dahilan ng hindi magandang epekto sa kanilang entelihente, dahil sila ay hindi na pwedeng hindi makapag check sa kanilang social accounts, at lagi nalang iniisip kung ano na ang nakapost doon at iniisip nalang kung anong magandang ipost Doon, hindi na iyong pag-aaral nila ang iniisip nila.

Magkaiba na talaga ang mga kabataan noon at ngayon, dahil ang mga kabataan noon ay walang cellphone na dinadala sa paaralan. Samantalang ngayon ay hindi na pwedeng walang dalang cellphone. Mas nakakalimutan pang dalhin ang ibang gamit sa paaralan huwag lang ang cellphone, dahil lagi nilang chine-check Kung anong bagong post, kung may nag like na naman sa kanyang pinopost at iba pa.

Ang pagiging addicts sa social media ay nakakapag distract sa konsentrasyon ng kanilang pag-aral dahil chine-check nila iyong social media accounts kahit isang daang beses pa. Hindi nila alam na nakaka apekto sa kanilang mental health, at hindi maiwasan ang cyber bullying. Lalong lalo na iyong mga kabataan na may history sa suicide ay maaring magbigti ulit dahil sa mga negative messages na nakapost online.

Ang mga kabataan mahilig mag-chat sa Facebook, Snapchat, Instagram at iba pa ay hindi na masaya say kanilang pag-aaral. Ang pag-aaral ay importante para sa mga kabataan ngayon dahil hindi magkakaron ng magandang trabaho ang isang tao na hindi nakatapos sa pag-aaral.

Tayong mga magulang ang nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa ating mga anak, Kaya naka depende sa atin kung paano sila kontrolin, pero kung ginawa nating spoiled ang mga bata at binibigay ang lahat ng gusto nila ay talagang mahihirapan kang kontrolin sila o di kaya’y bagohin ang nakasanayan niyang pagiging addict sa social media.

Dapat pagsabihan natin ang ating mga anak na hindi tama ang kanilang ginagawa at dapat unahin muna nila ang kanilang pag-aaral, saka na iyong mga social media dahil andyan lang iyan, pwede mong buksan anytime. Pero ang

pag-aaral kapag bumagsak ka ay babalikan mo ang isang taon. Huwag na nating hintayin na mangyari ang ganito sa ating mga anak. Dapat bigyan natin sila ng ultimatum, mag-aaral ba o kukunin iyong cellphone nila at hindi na magdadala ng phones sa paaralan, o di kaya’y sasabihan na kapag hindi nag-aaral ng mabuti at puro social media nalang ang inatupag, sabihan natin silang iiwan muna sa DSWD. Matatakot nga iyong ibang kabataan subalit may mga batang matitigas din ang ulo. Pero huwag mawawalan ng pag-advise sa mga ito at laging iremind na mas importante ang pag-aaral kesa sa ano mang bagay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here