Live-in partners

 Sa mundong ginagalawan natin ngayon ay hindi na uso ang pagka-manang, at iilan nalang ang nag-iingat sa kanilang pagka birhen. Noong sa kapanahunan ng mga lolo’t lola natin ay halos tinatago iyong mga babae at puro pa mahahabang saya ang sinusuot nila. Ngayon, ay halos maghuhubad na yong  ibang babae kapag lumalabas ng bahay. Kaya maraming nari-rape na babae ngayon dahil kasalanan lang din ng pananamit nila.

Sa ibang bansa ay matagal ng liberated ang mga tao doon, mga teenagers pa lang ay ginagawa na iyong ginagawa ng mga adults, at kapag nagkakagustuhan sila ay nagli-live-in kaagad at kung nagkasawaan na ay maghihiwalay din.

Dito sa ating bansa ay ganoon na din ang ginagawa ng mga tao, nakiki-adopt sa mga tao sa ibang bansa. Pati mga bakla ay nakikipag-live-in na rin sa mga kapwa nila lalake, ganoon din ang mga tomboy at sa mga babae.

Ang babae at lalaki naman ay magli-live-in na rin kapag nagkaintindihan sila, kaso lang may mga nagli-live-in  na babae at lalaki na may kanya-kanyang asawa na. Iniwan nila ang kawawa nilang pamilya upang maglive-in sila. Kung hindi naman pala kayo sigurado sa inyong pag-aasawa dapat hindi muna kayo nag-aasawa upang hindi magiging kawawa ang mga pamilya niyo kapag bigla niyo itong iiwan at sumama sa iba.

Hindi naman siguro masama ang makipag-live-in  kung nagkagustuhan at nagkaintindihan kayo, Ang masama lang eh kapag may nasagasaan at magiging kawawa ang mga bata.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here