Dear Maria: May ibang target si Labs

Dear Maria,

Hindi ko na sigurado kung mahal pa ba ako ng boyfriend ko. Para kasing nagkakagusto siya sa aking pinsan. Ano ba ang aking gagawin? Payuhan mo ako.

Tere

Tere,

Hindi kita kokontrahin sa paniniwala mong ‘yan, baka naman kasi totoo. Tayong mga babae ay malakas ang pakiramdam kaya talagang mararamdaman mong nanlalamig na siya sa’yo at may iba na siyang nagugustuhan kung nagagawa na niyang ibigay sa iba ang atensyong ibinibigay niya dati sa’yo. Kaya lang, di naman dapat na puro lang hinala. Alamin mo na ang totoo.

Paano mo magagawa iyon? Direkta mong tanungin ang iyong boyfriend. Maaaring masaktan ka sa kanyang isasagot pero mabuti na iyon para alam mo na ang totoo. Saka, kahit naman di mo alam ang totoo, ramdam mo na rin naman ang katotohanan kaya wala .na ring pagkakaiba iyon.

Kung mahal mo talaga ang isang tao, ang mahalaga lang dapat sa’yo ay ang kaligayahan niya. Ang importante lang ay maayos kayong maghiwalay ng boyfriend mo. Palayain mo na siya. Dapat din ay mag usap kayo ng pinsan mo. Kahit na nagustuhan siya ng boyfriend mo, di pa rin dapat masira ang inyong relasyon lalo pa’t di naman niya ito inakit. Ibang usapan na nga lang kung sinadya niyang agawin ang boyfriend mo.

Sana nga lang ay mag move on ka na pagkatapos mong malaman ang katotohanan. Ito ay para rin sa kabutihan mo. Isipin mo na lang na sa takdang panahon ay makikilala mo rin ang taong itinadhana talaga para sa’yo.

2 COMMENTS

  1. good day po . sana matulungan nyo po ako sa aking konting problema nito po kc january1 2020 ng break kami ng bf ko bale mga 1week palang po at nitong araw po napanaginipan ko sila ng ex nya kc kilala ko ex nya kasal daw po nila nsa isang cottage sila sa gitna lamesa may sapin n dahon ng saging tapos sa gitna ng lamesa may pinggan na malaki sa magkabilaan po mga bisita nakaupo tas ang ex bf ko nasa pina ka center ng lamesa nakaupo yung girl po umiikot sa mga bisita isa isa hinahalikan sa pisngi bontis po sya at ang suot nya po ay sleeveless na dress kulay itim n may bulaklakin kulay ng bulakalak pula . after po nun mag ka chat daw po kami ng ex bf ko ng kwekwento sya about sa kasal nya masaya po sya pero ang natandaan kung usapan nmin minahal daw po nya ako ng totoo . tapos po nun nag pasa sya ng picture nya na nsa harap ng salamin inaayusan pangalawa po naka suot sya ng barong pang kasal marami pa po syang pinapasa pero d kuna nakita dhil bigla ako nagising sana po matulungan ninyo ako malaman ang kasagutan . maraming maraming salamat po hoping for your responce .godbless and more power po sa inyo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here