Bakit mas madaling magmura kaysa mag-sorry?

Likas kasi sa ating mga tao ang pagiging emosyonal kaya kalimitan, ang bilis nating magsabi ng masasakit na salita. Para ngang nakakaramdam tayo ng gaan ng pakiramdam kapag naibulalas natin ang galit na ating nararamdaman. Iyon nga lang, parang ang hirap bigkasin ang katagang ‘sorry’ kapag tayo ay nahimasmasan na.

Alam mo ba ang dahilan?

Masakit kasi sa pride ‘yung magsasabi ka ng sorry sa taong nasaktan mo. Pakiramdam mo kasi, sobra iyong nakakahiya. Hindi lang sa taong nasaktan mo, pati na rin sa’yong sarili. Kapag nag-sorry ka kasi, parang inaamin mo na rin ang iyong pagkakamali. Kung saksakan ng taas ang pride mo, di mo gugustuhin na aminin iyon.

Okay lang naman na gawin mo iyon kaya nga lang, dapat mo ring tandaan na ang sama ng loob na ibinigay mo sa isang tao, lalo na sa malapit sa’yo, ay parang peklat na uukit sa kanyang puso na maaaring maging dahilan para lumayo ng todo ang loob niya sa’yo. Ito ang dahilan kung bakit may magulang, anak, kapatid, kaibigan o karelasyon na lumalayo dahil sa sama ng loob na nakatanim na sa kanilang puso.

Ikaw ba, gusto mong mangyari iyon?

Kung nais mong maayos ang relasyon mo sa isang tao, huwag mo na taasan pa ang pride mo. Kung alam mong nagkamali ka, magsabi ka n ng sorry dahil ito ang talagang makabubuti sa inyong relasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here