Nakipagrelasyon sa iba si Boyfriend, ano ang gagawin mo?

Masakit talaga kapag dumating ang pagkakataon na ipinagpalit ka sa iba ng taong mahal na mahal mo pero wala ka namang  magagawa kundi ang  umiyak. Siyempre, iyon na lang ang magagawa mo. Kaya lang kailangan mo rin siyempreng  huminto ka sa pagdadalamhati. Isipin mo na lang na mahal mo ang  iyong boyfriend kaya mas magiging  maligaya siya sa piling ng ibang babae.

Kaya lang di naman porke mahal mo ang  iyong boyfriend, patatawarin mo siya kapag  nanghingi siya ng  sorry. Okay lang  naman ang  magpatawad pero kailangan naman ay huwag ka na magpaloko sa kanya. Mas mahalin mo ang  iyong sarili kaya makabubuti pang  tuldukan mo na talaga ang  inyong  relasyon.

Isipin mo na lang hindi siya karapat dapat sa pagmamahal mo. May iba pang lalaking deserving sa pagmamahal mo. Iyon na lang ang isaksak mo sa’yong isipan. Sa ngayon ay masakit pa ang iyong nararamdaman pero kailangan mo iyong paglabanan. Paraan iyon para agad kang maka recover. Ngunit para magtagumpay ka, alisin mo na ang anumang alaala mo sa kanya.

Kaya itago o sunugin mo ang  mga ibinigay niya. Ito ang pinakamagandang paraan para makalimutan mo na siya. Kailangan mo kasing mag move on na kahit pa sabihin mong sobra mo siyang mahal dahil kundi mo gagawin, ikaw lang ang sobrang masasaktan. Siguro naman ay di mo gustong mangyari iyon.

O, makakapag move on ka na ba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here