Mga dahilan kung bakit mas marami ang male single kaysa female

Bakit nga ba sa kasalukuyan ay mas malamang ang porsiyento ng mga lalaking single kaysa sa mga babaeng single. 18.8 ang bilang ng lalaki habang 15.9 naman ang sa babae. Hindi ito nakakagulat ayon sa mga eksperto. May mga dahilan ang lalaki at narito ang naging resulta ng mga isinagawang survey.

1.Ayaw ng commitment

Karamihan sa mga lalaki ay hindi gusto ang pumasok sa commitment. Mas gusto nila ang isang malayang buhay. Kung saan magagawa nila ang kanilang gusto nang wala silang sinusunod na rules and regulations at mga do’s and don’t.

2.Mas malungkutin

Sa maniwala kayo’t hindi, mas malungkutin ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Kaya nga mas mataas ang bilang ng mga lalaking nagpapakamatay dahil sa depression kaysa mga babae. Pagdating sa break up, mukha lang kering keri ng lalaki pero deep inside ay halos mamatay pati ang kanilang kaluluwa sa sobrang kalungkutan.Kaya nga hangga’t maaari ay iniiwasan nilang pumasok ulit sa isang seryosong relasyon dahil iniiwasan nila na muling maranasan ang pinagdaanan nila. Mas matagal kasi silang maka-move on kaysa babae.

3.Hindi gusto ang pressure

Hindi nila gusto ang pressure. Dahil nalalaman nila na ang lalaking taken o married ay madalas ma-pressure between his woman and his work. Yung tipong hindi ka pwedeng mag-overtime dahil anniversary nyo. Yung kailangan kang sumama sa outing ng family dahil kung hindi ay sasama ang loob niya. Yung kailangan mong magstay sa work na mas gusto niya para sa’yo para raw sa ikakabuti ng financial nyo.

4.Mas kayang tumagal ng walang sex

Maaaring hindi mo ito paniwalaan pero mas kaya talagang tumagal ng isang lalaki na hindi makipagsex kaysa sa isang babae. Mas pipiliin nilang maging abala sa ibang bagay tulad ng sports at business. Ilan lang ito sa mga dahilan kung bakit mas marami ang mga lalaking single kaysa babae. Mas gugustuhin nila ang mag-isa kaysa makipagrelasyon sa maling tao at mapasubo sa maling sitwasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here