Bakit mas pinipili ng lalaki ang kanyang kabit

Masakit sa mga tunay na asawa kapag iniwanan sila ng kanilang mister, pero, ano nga ba ang dahilan kung Bakit mas pinipili ng lalaki ang kanyang kabit? Naririto ang ilang kasagutan.

Una, gusto niyang patunayan na may paninindigan siya. Iyon nga lang, ibang tao ang pinanindigan niya. Bilang tunay na asawa, di niya agad-agad na matatanggap na nambabae ang kanyang mister kaya may tendensiya na palagi niya itong aawayin. Ang mga lalaki naman ay di gusto ang pinagtataasan ng boses o inaaway dahil, nadadaganan ang kanilang pride kaya naman kaysa mapagbuhatan pa niya ng kamay ang misis niya, pipiliin na lang niyang iwanan ito.

Pangalawa, nagkaroon siya ng anak sa kanyang kabit. Kahit na may anak siya sa kanyang tunay na asawa, pipiliin pa rin niyang iwanan ito at panindigan ang anak niya sa kanyang kabit. Hindi dahil sa mas mahal niya ang kanyang kabit dahil naaawa siya sa anak niya rito. Ayaw niyang masumbatan na wala siyang kuwentang ama kaya wala na siyang pagpipilian kundi panindigan ang kanyang pagkakamali.

Pangatlo, kayang-kaya niyang paikutin ang kanyang kabit. Kung isa kang kabit at ayaw mong mawala ang lalaking minamahal mo, lahat ng gusto niya ay susundin mo. Iyon ang rason ng mga lalaki kung bakit di nila kayang kabit nila. Pakiramdam kasi nila ay mataas na mataas sila.

Pang-apat, sa kanyang kabit niya nararamdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kanyang hinahangad. Sa madaling salita, ang gusto ng mga kalalakihan ngayon ay yaya ang peg. Ibig kasi nila ay iyong may mag-aasikaso sa kanila ng sobra-sobra. Sabi nga ng marami, sa paglipas ng panahon ay nag-iiba na ang taste ng mga tao lalo na ng mga lalaki. Noon kasing kabataan nila, nakatingin lang sila sa panlabas na anyo. Kaya nga kung pagtatabihin mo ang misis at kabit, malayung-malayo ang kanilang hitsura.

Ikaw, asawa ka ba o kabit?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here