Ang pagiging Ina sa kanyang anak

SONY DSC

Bakit nga ba may masyadong malapit sa isang ina ang kanyang anak?

Siguro hindi lahat tayo ay hindi nagtatanong kung bakit masyadong malapit ang mga bata sa kanilang Ina. Ang ganitong sitwasyon ay nakikita nating lahat, subalit may mga tao’ng nagtatanong pa din kung bakit, dahil sa nakikita nilang closeness ng isang ina at sa kanyang anak.

Ang isang baby ay lumalaki talagang malapit sa kanyang ina dahil inaalagaan ng isang ina ang isang baby mula pagka-panganak nito hanggang sa paglaki nito. Kinakarga parati, kinakantahan hanggang sa makatulog Ito, inaalagaan palagi may sakit man o wala at iparamdam ang pagmamahal sa baby. Nararamdaman ng mga babies ang pagmamahal ng kanilang ina para sa kanila, kaya hanggang sa pag laki nila ay nadadala nila Ito. Kaya habang sila ay lumalaki ay close sila sa kanilang Ina.

Subalit may ibang kabataan na nag-iba ng tinatahak na daan habang sila ay papalaki. Ang iba ay nalulong sa bisyo at iyong iba naman ay natutong sumagot sa kanilang Ina kapag pinagalitan Ito. Hindi nila alam na masakit para sa isang ina ang sinasagot-sagot lang ng isang anak dahil alam ng isang ina kung gaano kahirap ang pag-aalaga ng isang baby hanggang sa paglaki nito. Hindi nila iniisip kung anong dinaranas na hirap o pinagdaanan ng kanilang Ina habang sila ay nasa tiyan pa, at hanggang sa paglaki nila.

Subalit malalaman lang ng mga kabataan kung gaano kahirap ang dinaranas ng kanilang Ina kapag sila’y naging magulang na dahil masusubukan nila kung paano aalagaan ang mga babies hanggang sa paglaki nito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here