Ang mga batang gala

Taken at Latitude/Longitude:14.633490/120.957997. km (Map link)

Marami tayong nakikitang mga batang gumagala lang sa lansangan, at ang akala natin pare-pareho lang silang lahat na walang gagawing mabuti sa kanilang buhay.

Gumagala nalang ang mga bata sa lansangan dahil ang iba ay wala ng mga magulang, iyong iba naman ay lumayas sa kanilang bahay at sumama sa kanilang barkada, iyong iba naman ay gustong tumulong sa kanilang mga magulang kaya naging batang gala ang mga Ito.

Iyong mga batang wala ng mga magulang ay gumagala nalang din dahil walang kamag-anak na kumupkop dito, iyong lumayas naman sa kanilang bahay ay mga pasaway na bata Ito, kahit inaalagaan pang mabuti pero suwail talaga ang mga Ito. Gusto nilang walang magsasabi sa kanila, ayaw nilang napagalitan at higit sa lahat gusto nilang maging malaya upang magagawa nila ang gusto nilang gawin kasama ang barkada nila. Subalit hindi nila alam na mga bata pa sila at sa pagkakataong nagigipit sila o di kaya’y may masamang mangyari sa kanila, iiyak din sila at tatawag ng “Ina”. Kaya kayong mga kabataang pasaway huwag padadala sa mapusok niyong isipan dahil mga bata pa lang kayo at kailangan niyo pa ang gabay ng inyong mga magulang, magpasalamat nalang kayo dahil may mga magulang pa kayo. At iyong ibang mga kabataan ay wala ng mga magulang at sila ang pinaka kawawa sa lahat.

At iyong mga batang may mga magulang pero gumagala sila sa lansangan, ginagawa nila ito dahil gusto nilang tumulong sa kanilang mga magulang. Iyong ibang mga magulang ay may sakit at iyong iba naman ay wala,Dahil sa kahirapan ng  buhay kahit walang sakit ang mga magulang ay gustong tumulong ng mga bata sa kanilang mga magulang dahil wala silang makakain sa bahay nila.Iyong mga batang may sakit naman ang mga magulang ay sa murang isip pa lang ay todo kayod na ang mga Ito upang mabilhan ng gamot ang kanilang mga magulang at upang makabili na rin sila ng pagkain. Kaya tayong mga tao ay huwag nating husgahan agad ang mga batang nanghihingi sa lansangan, makikita naman natin sa mga mukha nila kung nagsisinungaling sila o hindi. Dapat nating tulungan ang mga ganitong klaseng bata dahil may mga anak din tayo. Paano na kaya kung sa atin mangyayari ang ganito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here