Paano nakakaapekto ang alcohol sa isang buntis?

Halos lahat ng babae ngayon ay umiinom ng alcohol, kahit iyong mga babaeng nakatira sa bundok ay umiinom na din ng alcohol. Bakit kaya ang mga tao ay umiinom ng alcohol? Una ay dahil nagkatuwaan ang magkakaibigan, boring ang usapan kapag walang inuman, pangalawa kapag may okasyon ay hindi mawawala ang alak sa tuwing may okasyon, kahit anong okasyon, o di kaya’y kapag may problema. Kapag nasasanay ng uminom ang isang tao ay makipagyayaan na itong mag inuman kahit walang okasyon at hanggang sa dumating ang punto na hinahanap hanap mo na ito. Ang tawag dito ay addiction sa alcohol, alam naman natin na ang alcohol ay walang magandang idudulot sa ating katawan, dahil sakit lang ang makukuha natin dito. Lalong-lalo na iyong mga hard alcohols ay lulutuin talaga nito ang internal organs niyo, at sa bandang huli saka ka pa magsisisi kapag nagka chronic disease kana dahil sa alak. Babae man o lalake.

Mas masaklap kapag ang isa sa mga alcoholic na tao ay buntis, kawawa ang magiging baby nito kahit beer pa ang laging iniinom nito dahil may halong chemical ito na ang tawag ay ethanol or ethyl alcohol. Kapag nagkaganoon ang baby na nasa sinapupunan ng isang ina ay hindi maganda ang pag-develop ng utak nito, dahil ang tinatawag na placenta na lumalaki sa iyong uterus na nagsusupply ng pagkain at oxygen sa inyong baby sa pamamagitan ng unbilical cord. Ang pag-inom ng kahit gaano kakunting alcohol kapag ikaw ay buntis, maapektuhan ang baby sa loob ng iyong tiyan dahil Hindi maayos ang pag-develop ng utak nito, at iba pang organs nito. May posibilidad na magkakaroon sila ng health problems paglaki nila. O di Naman kaya’y may mababang IQ ang isang bata, mahina ang memory nito at iba pang unsual behavior ng baby.

Ang nasubraan sa pag-inom ng alcohol habang ikaw ay buntis ay magiging sanhi ito ng fetal syndrome which is linked sa fetal abnormalities, tulad ng pagkakaroon ng maliit na ulo at Hindi maayos ang pag-develop ng utak at may permanenteng central nervous system damage.

Kaya mga mommies at ang mga nanay mag-ingat po tayo at iwasang uminom ng alcohol habang kayo ay buntis. Upang hindi tayo magkakaproblema sa ating mga anak sa hinaharap, hindi lang para sa atin kundi pati na rin sa ating mga babies dahil kawawa ang mga babies kapag hindi tayo nag-iingat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here