Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 5, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 5, 2020,  Linggo – Sa taong ito ng 2020 sobrang ganda ang ipinapangako sa iyo ng langit. Magsisimula ng matupad ngayon ang lahat ng mga pinapangarap mo. Kaya sa taong ito ng 2020 wala kang dapat gawin kundi ang mangarap ng mangarap. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  9, 18,  24, 27,  39, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Nagbabala ang araw na ito na malalasing ka sa mga masasayang pangyayari. Ilagay mo sa iyong isip na ang kasalukuyan ay pansamantala lamang at hindi puwedeng pang habang buhay. Lagi mong isipin ang future upang maging maligaya ka sa lahat ng panahon ng iyong buhay lalo na sa taong ito ng 2020. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 8, 14, 19, 28, 34, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Oo mahalaga ang salapi pero sa taong ito ng 2020 hindi mo ipagpapalit sa mga ito ang kalinisan ng iyong pagkatao, mamamali at mapapahiya ang sinumang susubok sa iyo. Sapagkat noon pa, itinakda ka na ng langit na habang gumagawa ng kabutihan, lalong tatalas ang iyong suwerte at kakaibang kapangyarihan.  Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  5, 10, 23, 28, 35, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Mababawasan ang mga suwerte mo pero hindi naman nangangahulugan ito na ikaw ay mamalasin. Nagkataon lang na ngayon ay pahihiramin mo ng suwerte ang mga taong malalapit sa iyo. Mag-ingat, baka pati pera ay hiraman ka nila. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 6, 18, 27, 35, 39, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) ) Ito ang araw na tatalunin na ng saya ang mga iniinda mong kalungkutan. Kasabay nito, sa taong ito ng 2020 lilisanin ka na rin ng kamalaasan, upang magdatingan ang ibat-ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 22, 37, 40, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Sa taong ito ng 2020 malakas ang iyong enerhiya at lalo pang lumalakas. Kaya naman ngayon pa lang ay naglalabasan na ang mga suwerte na noon pa ay nasa iyong katawan na. Mamamangha ang lahat sa nakagugulat at magagandang kapalarang mahihigop ng nag-aapoy mong personalidad. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero   1,  9, 17, 20, 37, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa taong ito ng 2020 upang magpatuloy ang suwerte, mas mainam kung sa panahong ito ay maging mapagparaya ka kapag naaargabyado ka hindi ka dapat gumanti. Magtiwala ka na ang langit ang mismong kikilos laban sa mga taong gagawa sa iyo ng hindi maganda.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 12, 21, 30, 33, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Maaakit ka ngayon sa panlabas na kagandahan. Huli na bago mo maalala na ang mas mahalaga pala ay ang magandang ugali at mas mataas na dignidad. Pero sa kabila ng lahat, wala ka naman gaanong magiging problema, dahil magiging mapalad ka pa rin at labis na masasarapan. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 1, 4, 19, 26, 37, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Napakataas ng level ng kumpiyansa mo sa iyong sarili sa buong taong ito ng 2020. Kaya anuman ang iyong gusto, walang pag-aalinlangang mapapasa kamay mo ang lahat ng ito. Maghangad ka pa ng maghangad sa buong taong ito ng 2020  upang mas marami pa ang mapasa kamay mo. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 2, 11, 25, 32, 40, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Sa taong ito ng 2020 sa ayaw at sa gusto mo, darating na sa karanasan mo ang magagandang kapalaran. Ito ang panahon na unti-unti ng lalaki ng lalaki ang suwerte sa iyong kapalaran. Darating ang mga pangyayaring tulad ng isang malaking pagbaha, lulunod sa iyong pagkatao dahil sa walang kapantay na kaligayahang iyong madarama sa buong taong ito ng 2020. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  4, 17, 27, 38, 41, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Nagdaratingan ang masasayang mga araw mo. Hangga’t maaari ay huwag kang paaalipin sa mga ito dahil ang obligasyong tulungan ang mga walang-wala ay nasa mga balikat mo. At sa taong ito ng 2020 habang tumutulong ka sa mga walang-wala lalo namang darami ang suwerte mo at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  3, 18, 24, 36, 39, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hinahanap mo ba ang taong magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran? Hindi mo ito dapat na hanapin, dahil sa taong ito ng 2020, kusa na siyang darating at buong-buong ipagkakaloob sa iyo ng langit. Kaya wala kang dapat gawin ngayon kundi ang magalak at magpasalamat sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 7,  11, 25, 29, 41.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nakita ng langit ang kabutihan ng loob na matagal mo ng ginagawa sa iyong kapwa. Kaya ito ang araw na gagantimpalaan ka ng langit, sa bawat pagkilos mo, darating ng darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 7, 18, 25, 27, 31, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here