Mga Palatandaan na siya ay masamang kaibigan

Nakakalungkot isipin pero di lahat ng tinuturing mong kaibigan ay tunay at karapat dapat pagkatiwalaan kaya sa artikulo natin ngayon ay ibabahagi ko ang Mga Palatandaan na siya ay masamang kaibigan

Una, magpaparamdam lang sa’yo kapag may kailangan. Give and take dapat ang magkaibigan kaya huwag kang maging manhid. Iwasan mo na siya kung panay lang ang hingi niya sa’yo ng pabor pero kapag ikaw na  ang nangailangan ay tinatanggihan ka na niya.

Pangalawa, pinagtatawanan at iniinsulto ang pagkakamali mo. Walang taong perpekto kaya dapat unawain niya na nagkakamali ka rin. Kung ipinapahiya ka pa niya sa harap ng ibang tao, anong klase siyang kaibigan.

Pangatlo, palagi ka niyang binabara. Kung may respeto siya sa’yo, di niya ito gagawin. Kung may mali kang nasabi, dapat ay ipapaliwanag niya sa’yo.

Pang apat, nakikipagkumpetensiya sa’yo.  Kung kaibigan ka talaga niya, bakit may pagkakataon na parang nasisiyahan siya na ikaw ay kalabanin?

Panlima, hindi masaya kapag may magandang nangyayari sa’yo. Kung tunay siyang kaibigan dapat siya ang unang tao na matutuwa sa tagumpay mo.

Pang anim, di mapagkakatiwalaan. Kahit na magkaroon kayong gap na magkaibigan, dapat panatilihin niyang lihim ang anumang lihim mo. Di niya iyon gagamitin laban sa’yo.

Pampito, di mahagilap kapag kailangan mo. Kung may nangyaring masakit sa’yo dadamayan ka ng tunay mong kaibigan. Kung di ka niya dinadamayan sa oras ng pangangailangan mo, bakit pa siya naging kaibigan.

Pang walo, kinukuha ang taong gusto mo. Kahit siya pa ang type ng taong nagugustuhan mo, di niya ito aagawin sa’yo. Irerespeto niya ang damdamin mo.

Pang siyam, masamang impluwensiya. Ang tunay na kaibigan ay di ka ipapahamak kaya kung tuturuan ka lang niyang gumawa ng masama, iwasan mo na siya dahil masisira lang ang buhay mo.

Pang sampu, hindi siya gusto ng iyong pamilya. Nakikita ng pamilya mo kung anong klase siyang tao kaya makabubuti kung pakikinggan mo ang kanilang opinyon.

O, sana ay wala kang ganitong kaibigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here